46

36 2 0
                                    

Pumunta na si Blue sa last class niya. Ganun din ako. Hanggang sa pag-alis namin ay inaasar niya ako.

Dang! Ang extra pads nakalimutan ko! Bumalik ako sa clinic sandali at humingi ng extra pads bago patakbong pumunta sa room ko.

"Kelly! Sorry talaga. Nagkaemergency lang. I-ito na y-yung extra pads." hinihingal na sabi ko at binigay ang extra pad sa kanya.

"Ayos lang, Friz nakapagpalit na ako. Ang tagal mo kasi pero thank you pa din." nakangiti niyang sabi.

Pabagsak akong umupo sa upuan ko. Hoh! Kapagod.

Pagkatapos ng first class ko ay didiritso na ako sa court para icheck yung mini stage na pagdaarausan ng mini-event ng department namin. Nakita ko agad si Pierce.

"Pierce! Anong balita?" tanong ko ng makalapit.

"Nasa tv at radyo, Friz." biro niya.

"Napakakorni ng joke mo. So ano na nga?"

"Tapos na. Ang tagal mo kasi."

"Sorry ha ngayon lang kasi natapos last class ko e." sarkastikong sabi ko.

"Pero hindi ko talaga makakalimutan yung sinabi mo sakin kanina." pinanliitan niya ako ng mata.

"Alin? Yung babaero ka?"

"Ouch. Yung bibig mo walang filter, Friz. Alam ko na yun. Yung kaibigan mo na may gusto sakin ang ibig kong sabihin. Irereto mo sakin?"

"Sabi ko na, may ibang sadya ka."

Tumulong ako sa pagbubuhat ng box para isauli sa storage room. Katulad ng inaasahan ko, nakabuntot na sakin ang l*ntek na si Pierce Sarmiento..

"Dali na, Friz. Maganda ba? Kilala ko? Dito nag-aaral? Anong department siya?" sunod-sunod niyang tanong.

"Hanep ba't di broadcasting course ang kinuha mo? Pwede kang reporter ha." komento ko.

"Friz!" naiinip niyang sigaw.

"Wag ka ngang sumigaw! Magkatabi lang tayo!" sigaw ko pabalik.

"Sorry pero—"

"Maganda? Oo, sobra. Anong department? Di ko sasabihin sayo. Irereto? Ayoko nga ang tino ng kaibigan ko tas irereto ko sa t*rantadong katulad mo? No thanks. Thank you, next."

"Wow your words are like daggers, Friz. Hindi man lang ako makailag. Grabe ka naman sakin parang wala naman tayong pinagsamahan!" nagdadabog niyang sabi.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon