Chapter 6
Napalingon ako sa direksyon kung saan sila nakatuon. Si Blue nagstrestretching. Anong meron? Marathon? Training?
Nasa malayo lang ako at nakamasid sa kanila.
"Grabe kahit bakla si Blue. Napamahal na talaga ako sa kanya, beh–aray ko!"
"Gaga, wala kang pag-asa dun. Boylet nga yung hanap"
"Wow ha sino satin ang nag-effort magbitbit ng banner para kay Blue?"
"Shhh tahimik nga!"Nagkahilaan pa ng buhok sa mga babaeng nasa tabi ko ngayon. P*ta ganito kahaba ang pila kay Blue? Ultimo bakla pa yan ha. Pano pa kaya pag nagdecide yang magpakalalaki.
Napalingon si Blue sa gawi ko at panandaliang magtama ang tinginan namin sa isa't isa. He's a bit shocked kaya kumaway sa kanya.
"Hello Blue! Good Luck!"
Napailing lang siya at muling itinuon ang tingin niya sa harapan.
"Luh? Feeling close yarn?"
"Kala niya talaga siguro siya yung nilingon ni Blue."Binaba ko ang dalawang kamay ko. Mga inggitera! Hindi ko na lang sila pinansin at nagfocus na lang sa pagcheer kay Blue.
Hindi ko alam na sporty siya. Sa bagay kakakilala ko pa lang sa kanya. Pero kung ganito siya kasikat bakit ngayon ko lang siya napansin?
Pagkatapos ng laro niya ay nagsilapitan na ang mga babae sa kanya. Kanya-kanyang bigay ng bimpo, snacks at bottled water. Hayuf sanaols di na pala nito kailangan magdala ng pera. Pagkain pa lang solve na solve na sa dami ng nagbibigay sa kanya.
"Pst hoy!" tawag ko sa dalawang babae kanina na katabi ko.
"What?"
"Akala ko ba ayaw niyo kay Blue dahil bakla siya. Bakit ang dami pa ring naghahabol sa kanya ngayon?
"Wala kaming pake dun. Kasi kahit bakla siya mamahalin niya pa rin ako at deserve niya ako!"
She flipped her hair at tumalikod na silang dalawa sakin. Deserve raw siya ni Blue? E mukha ka nga lang sumasabay sa pagkakagusto sa kanya dahil yun ang nauuso sa nakakarami.
Nahanap ko nga si Blue. Hirap naman akong makasingit at masolo siya sa dami ng umaaligid sa kanya.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...