"Ow! What was that?!"
Napalingon si Blue kay Clyde at may pilit itong inaabot sa likuran niya.
"Bakit?" alanganing tanong ni Blue.
"Can you check underneath my shirt? May langgam ata na kumagat sa likuran ko. Kung okay lang sayo. Di ko kasi maabot."
"H-ha?"
Nagdadalawang-isip si Blue sa gustong ipagawa nito sa kanya.
"Ah sige wag na lang—ow!"
Gusto niya na lang sana itong hayaan ngunit napapikit na lang siya ng mariin at napagdesisyonang lapitan ito.
"I-ituro mo k-kung saan banda."
Ayaw sanang gawin ito ni Blue at pakiramdam niya ay tila nagkakasala siya kay Friz. 'F*ck, bahala na'. Nakabaling sa ibang direksyon ang tingin ni Blue habang pinapasok ang kamay niya sa loob ng shirt ni Clyde.
"Hindi dyan. Sa kabilang banda!" sabi ni Clyde.
"Oo na! Sandali pwede?!" naiinis na rin si Blue at t*nginang langgam na yan ayaw pang mamatay na lang.
Ramdam ni Blie ang awkwardness at gusto niya ng agad na lumayo rito.
Nasa ganung posisyon sila nang biglang bumukas ang pinto at sabay silang napalingon sa taong pumasok sa clinic.
"Excuse me, Nurse Amy may extrang—"
Natigilan si Friz at halos mahugot ang hininga sa nakita niya. Nataranta si Blue nang makita si Friz at agad na lumayo kay Clyde.
"Miss, sandali/Mali ka ng iniisip, Friz-" magkasabay nilang sabi habang umiiling.
You betrayed me, and I know that you'll never feel sorry~
Yun ang nagreplay na kanta sa utak ni Friz. 'Parang gusto ko na lang mamuhay bilang isang bulate.' Yan ang nasa isip ni Friz.
Tila pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng harap-harapan ng taong mahal niya. At ang mas masakit pa rito ay wala siyang karapatang magalit.
(Third Person's POV ends)
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...