11

56 4 0
                                    

Chapter 11

Third Person's POV

Nag-iba ang awra ni Friztelle. The moment this guy's hand lands on her shoulder, mabilis na hinila ni Friz ang kamay nito sa balikat niya. Nilapat at pinuwesto naman niya ang  kabilang kamay niya sa braso nito at saka walang kahirap-hirap na binaliktad ang katawan nito.

"Ow! Sh*t talagang kinakalawang na katawan ko sa pakikipaglaban." iniinda ni Friz ang sakit ng sugat sa siko niya.

Lahat sila ay nagulat sa ginawa ni Friz. Lalong-lalo na si Blue na halos akala nito ay namamalik-mata lang siya sa kanyang nakikita.

Iniinda ng lider ng grupo ang sakit nito sa likod at katawan niya. Gulat na gulat din ang dalawang lalaki sa kinahihinatnan ng lider nila ngayon.

Binitawan ng dalawang lalaki si Blue at pareho silang tumakbo at sumugod kay Friz.

Hinila ni Friz ang neck tie ng naunang lalaki at sinampal ito gamit ang kanang kamay niya bago ito malakas na binatukan. Sa lakas ng pagbatok niya rito ay agad na dumapa ito sa lupa. Susuntukin na sana siya ng kasunod na lalaking umatake sa kanya pero iniwas niya lang ang mukha niya sa kabilang side at saka mabilis na tinuhod ito sa tiyan. Tumalsik naman ang ilang butil ng inuluwang dugo ng lalaki sa pisngi niya sa lakas ng impact nito. Gusto pa nitong lumaban pero agad na umikot si Friz at binigyan ito ng isang malakas na sipa sa mukha.

"Hindi pa kami tapos! Babalikan ka naming pakialamerang babae ka!"

Iikang tumakbo silang tatlo habang inaalalayan ang lider nila. Nag-inat si Friz ng mga braso't katawan niya.

"Aray ko ang sakit ng katawan ko. Mukhang kailangan ko ng bumalik sa training at hindi ko na halos maigalaw ang katawan ko sa simpleng laban na yun."

She can feel her body aching all over. Tila nabigla ito sa lahat ng galaw na ginamit niya sa pakikipaglaban kani-kanina lang. Nilingon niya naman si Blue na nakaupo pa rin sa lupa at tila tulala pa sa nangyari. Agad niya itong nilapitan.

"Are you okay, Blue?"

"M-may dugo s-sa pisngi m-mo..." nauutal na sabi ni Blue.qq

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon