36

82 4 0
                                        

"Maiwan na muna kita Pierce, magbibihis muna ako. Uhm you can just call some of my classmates kung kailangan niyo ng may mag-aassist sa inyo." sabi ko habang pinapagpag ang damit ko.

"Yep, no problem. Take your time, Friz."

Lumabas na ako mula sa court at pupunta na sana sa locker ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Friz!"

Si Carlyn lang pala. Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad.

"Close pala kayo ni Pierce?" she blurted out all of a sudden.

Sabi ko na eh nakita niya kami ni Pierce kanina habang nag-aayos sa stage. Napangisi ako.

"Nagseselos ka?" biro ko.

"H-hindi ah! Okay nga yun eh close kayo." nauutal na sabi niya.

"Wag kang mag-alala. Loyal pa rin ako kay Blue kahit nirereject na ako ng maraming beses." napangiwi ako sa huling sinabi ko.

"Ahh... kasi hindi naman yun mahilig makipag-usap si Pierce sa kahit sinong babae except if he's interested with her—Oh no! Interesado siya sayo?!"

"Hindi ah. Malabong magustohan ako non at ganun din ako sa kanya. Akala ko nga walang modo, maayos naman palang kausap pag tungkol sa acads and we have a little chitchat."

"Sana all." sabi niya na may bahid ng inggit.

Natawa ako kaya napatingin siya sakin.

"Anong sana all? Wag ka na dun. He's a womanizer at inamin niya pa talaga sakin."

Sumimangot naman siya kahit alam niya na ito noon pa. I lightly tapped her shoulder. T*ena kawawa talaga lovelife naming dalawa.

"Kita na lang tayo mamaya ha. Magbibihis muna ako kasi itutuloy pa namin yung pag-aayos sa stage." ani ko.

"Okay sige. Laturrrrr"

Umalis na siya habang kumakaway sakin. Ngumiti naman ako at kinawayan siya pabalik.

Dumiritso na agad ako sa locker ko at kinuha ang extrang damit ko.

"So this is how you play your game?"

Natigilan ako at muntik ng mabitawan ang damit na hawak ko.

Naiangat ko ang tingin ko sa nagsalita. Pero kahit naman siguro hindi ako tumingin sa kung sino ito, sino bang niloloko ko? Kilalang-kilala ko ang boses na yan.

Hindi ako nagsalita at umiwas ako. Sa right side na sana dadaan pero humarang siya.

"Tapos ka na bang makipagt*rantaduhan sakin kaya sa iba mo na naman ulit ginagawa? I mean, to a straight guy this time?" Blue irritatingly said as his brows furrowed.

Tumalikod ako at maglalakad na sana sa kabilang direksyon nang bigla niyang hilain ang braso ko kaya napaharap ulit ako sa kanya.

Making that Gay fall for MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon