"Did that make you feel better?"
Napatigil siya sa dapat sanang ihahampas niya sakin. He then realized I did that so he can forget what happened a while ago.
"Hindi mo kailangang gawin yun." he slightly bumped my shoulder.
"Asus. Kunwari ka pa. Hindi mo na kailangang magpasalamat. Tara na!" kinawit ko ang kamay sa braso niya.
"What the hell are you doing?! Ialis mo nga yang kamay mo!" pilit niyang tinatanggal ang kamay ko pero mas lalo ko lang itong hinigpitan.
"Kaya mo bang umalis nang hindi nila napapansin ang presensya mo?"
Sandali siyang natigilan at napaisip.
"Kitams. Di mo kaya e. Kaya nga andito ako. Andito ako umiibig sayo~"
"Itigil mo yan. Nakakarindi yung boses mo."
Huminto ako sa paglalakad at pinaharap siya sakin. Tinanggal ko ang cap na suot ko at sinuot sa kanya.
"What the—"
"Oh relax. Para di ka nga makilala di ba?"
Inayos ko ang cap sa ulo niya at ang kunting bangs niya pero tinabig niya lang ang kamay ko.
"Ako na kaya ko na. Tsansing ka rin e nuh?"
"Medj lang." I flashed my smile.
Nauna akong sumilip sa dadaanan namin. Okay so kung sa likod kami dadaan hindi kami mahahalata.
"Ay teka. Pano yung award mo pala?" tanong ko.
Muntik ko ng makalimutan yung awarding niya. Siya pa naman yung nanalo kanina.
"Hindi na mahalaga yun. I just need to get out of here."
His eyes are emotionless. Hindi ko tuloy matukoy kung gusto niya bang umalis talaga o mas gusto niyang pumunta sa awarding pero hindi niya lang kayang iharap ang sarili niya sa maraming tao ngayon.
"Sure ka ba?"
Nagkibit-balikat lang siya.
"Tara! Ako bahala sayo!"
Mabilis kong hinila ang kamay niya at sabay kaming tumakbo.
"Hoy! Teka! Sa'n mo ba ako dadalhin?"
Nakarating na kami sa likod ng building.
"What are we doing here?"
"Kita mo yan?" tinuro ko ang may pagkamataas na pader.
"Malamang may dalawang mata ako. Oh tapos? Don't tell me— no, hindi ko gagawin yan!"
"Blue naman. Gusto mong makauwi di ba nang hindi ka nila nakikita at napapansin? Oh ito na yun."
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...