For the past 1 month, todo papansin ako kay Blue. Lagi ko nga siyang binibigyan ng caramel latte niya sa cafeteria pero alam kong binibigay niya lang ito sa iba. Todo cheer din ako sa kanya kahit training lang naman.
Oo, alam ko namang bakla siya. Pero kahit kunti ba, hindi man lang niya naappreciate yung effort ko para lang maging magkaibigan kami? Hindi ko naman hiniling na maging boyfriend siya agad. I just want him to recognize my existence. Na eto ako oh. Si Friztelle Santillan, na kaya kang suportahan sa lahat ng bagay na gusto mo.
"You okay, Friz?"
"Oo naman. Sige Carlyn, kita na lang tayo mamaya." matamlay na sagot ko.
Ayokong ipahalata na hindi ako okay. Pero ganun yata talaga kahit di ko sabihin na hindi ako okay, nahahalata ng kahit sino na hindi ako okay dahil tahimik ako.
Mas mabuting iwasan ko na muna si Blue. Ididistansya ko lang ang sarili ko sa kanya. Ngayon ko lang narealize na sobrang sakit na pala pag maraming beses ka ng nareject. I just needed time to sort things out for myself.
Kung hindi talaga ako kayang papasukin sa buhay ni Blue kahit bilang kaibigan niya lang. Edi sige tatanggapin ko. Pero it will take me a lot of time para makamove on at kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya.
"Ms. Santillan, your answer is correct."
I've distracted myself sa pag-aaral. Isang linggo ko ng di kinukulit si Blue. Kaya ko pala. Kinaya ko. Sa tuwing magkakasalubong kami sa cafeteria ay iniiwasan ko na lang tumingin sa kanya. Ayoko ding tumingin sa mga mata niya dahil baka makalimutan kong dinidistansya ko pala ang sarili ko sa kanya.
Tumigil na rin ako sa pagbibigay sa kanya ng caramel latte during breaktime. At maging ang pag-iingay ko tuwing hapon sa open ground para icheer siya ay tinigil ko na.
"Friz, g ka ba street food tayo mamaya?" aya ni Carlyn sakin.
"Oo, g na g! Libre mo ha!"
"Oo na sige na basta sasamahan mo ako!"
Tumatango ako at masayang kumakaway sa kanya. Papunta na kami sa magkaibang klase namin.
Napatingin ako sa phone ko. Grabe ni isang text wala man lang akong natanggap mula sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/361273337-288-k138062.jpg)
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...