Chapter 68
"Friz!"
Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Pierce na tumatakbo papunta sa gawi ko.
"Ayos ka na ba? Balita ko marami kang tinamong sugat at galos sa katawan."
Tumabi siya sakin sa paglalakad. Ayoko pa sanang pumasok ngayon dahil sobrang visible pa ng mga pasa at sugat ko pero may ipapasa kasi akong plates. Being an arki student, wala kaming dapat na iaksaya ng oras.
"Ito? malayo sa bituka. It's just a few scratches." I shrugged.
Pinagtitinginan at pinagbubulongan kami ng mga estudyante na nakakasalubong namin. Ikaw ba naman tabihan ng isang Pierce Sarmiento.
"Napakayabang mo ha." natatawang komento niya.
"Hoy! Pwedeng mauna ka ng maglakad? Pinagchichismisan tayo oh."
Napalingon naman siya sa mga estudyante sa paligid namin.
Akala ko susundin niya ang sinabi ko pero nagulat ako nang bigla niya akong akbayan. I heard few gasps from the students.
"Aray!" siniko ko siya sa gilid niya.
"Ano bang ginagawa mong in*til ka ha?" bulong ko ng hindi binubuka ang bibig ko.
"Ginagatongan ang mga tsismis nila. Ayaw mo non? Maiissue ka sa isang Pierce Sarmiento? You should be honored, Friz-ow!" binatokan ko nga.
Kung anu-anong kat*rantaduhan ang pumapasok sa isipan e.
"Kung pinapaselos mo si Carlyn, wag ako gamitin mo. Kapag nasira ang pagkakaibigan namin dahil sayo, ito ang aabutin mo sakin." sinenyasan ko siya na pupugotan ko siya ng ulo.
Napalunok naman siya at agad na inalis ang pagkakaakbay niya sakin.
"Ikaw naman kasi, may sasabihin nga ako tungkol kay Carlyn. Ba't ba kasi ayaw mong pakinggan?" reklamo niya.
"Oo na, sige na. Mamaya pagkatapos ng klase ko. Siguraduhin mo lang worth it yang sasabihin mo." sinamaan ko siya ng tingin.
"Talaga?! Thank you, Friz! Sabi ko nga ayaw mo ng yakap."
Yayakapin niya kasi dapat ako pero tinaas ko agad ang kamao ko kaya hindi niya na tinuloy pa.
Pumasok na kami sa kanya-kanya naming klase.
Halos buong campus namin alam na ang nangyari. Yung mga matang nakatingin sakin dati ay mas lalo lang dumoble ngayon.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...