Chapter 69
"So?"
Umupo ako sa bermuda grass katabi niya. Kakatapos lang kasi ng huling klase ko. Nasa ground kami at mula sa kinauuupuan namin ay matatanaw namin ang ibang teammates niya na nagtretraining.
Nilapag ko ang mga libro at gamit ko sa gilid. Sumipsip ako sa coffee jelly ko.
"Carlyn and I used to have mutual understanding."
Naibuga ko ang ininom ko at nilingon siya.
"Ano kamo? Paki-ulit." di makapaniwalang sabi ko.
"Narinig mo na yun." sabi niya.
"Pinatulan ka ng kaibigan ko?!"
"Ang sakit mo naman magsalita!" sigaw niya pabalik.
Napabuntong-hininga siya at muling binalik ang tingin sa harapan.
"Alam mo ba kung bakit sinabi kong pass pag siya—"
"Siyempre di ko alam kaya ko nga inaalam ngayon di ba?" pilosopong singit ko.
"Friz!"
"Wag kang sumigaw!" kinulikot ko ang daliri ko sa tenga ko.
"Ang pilosopo kasi ng lahi mo. Can you at least let me finish first? Bago ka magsalita."
I rolled my eyes at him. Pinagpatuloy ko ang pagsipsip sa iniinom ko.
"Nung highschool kami, nagkacrush ako sa kanya. Magkaklase kasi kami that time. Hindi ako friendly na tao pero pagdating sa kanya kinukulit ko siya araw-araw mapansin niya lang ako. Hanggang sa isang araw inamin niya rin sakin na may gusto siya sakin. But because she's not yet ready to enter a relationship, nirespeto ko yun at nakuntento na m.u na lang muna kami..." he paused.
"Eh yun naman pala e. Anong problema ba't kayo nagkakaganito ngayon?"
"Nagulat na lang ako isang araw may iba na siyang kasa-kasamang lalaki. Sinabi ng lalaking yun na sila raw ni Carlyn. That broke me. Hinantay kong makipagkita siya sakin at ipaliwanag ang side niya sakin pero di niya ako sinipot kailanman. Alam kong hindi sapat na rason yun para mangg*go ako ng kahit sinong babae ngayon. Pero masyado akong nasaktan kaya takot na akong magcommit sa isang relationship. Takot na akong sumugal..."
Napayuko siya at ramdam kong masyado siyang nasaktan sa nangyari noon.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...