"Ay nakarating na pala tayo sa bahay ko."
Pumunta na ako sa gate namin. Nakapamulsang nakatingin lang sa Blue sakin.
"Gusto mong pumasok sa loob? Ipapakilala kita sa mama at kapatid ko—"
"Ayoko nga. Ba't mo naman ako ipapakilala?" tanggi niya agad.
"Bakit? Ikaw naman ang bukas ko, ngayon at magpakailanman. Magpakailanman hindi magbabago~ HOY!"
Umalis agad siya nang magsimula akong kumanta. Nakaunsupportive talaga nito.
"Bye. Pumasok ka na! Babagyo na dahil sa boses mo!" sabi niya at kumaway sakin.
"Sandali! May sasabihin ako!" sigaw ko.
Agad naman siyang tumigil sa paglalakad at humarap. Mabilis akong tumakbo at lumapit sa kanya.
"Tingin ka dun." tinuro ko ang poste sa right side.
"Why—"
Pagkalingon niya rito ay agad ko siyang hinalikan sa pisngi.
"Good night, Blue." sabi ko ng nakangiti.
Tumakbo agad ako papunta sa gate namin baka kasi kung ano pang gawin niya sakin.
"Hoy! W-what did you just do to me?!" sabi niya at napahawak sa pisngi niya.
"Bye! Mahal kita! I love you! Saranghae!" kumakaway ako sa kanya at nagfingerheart pa sa dulo.
"You—"
Pumasok agad ako sa gate at sumandal sa likod nito. Kinikilig ako! Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti. Sumigaw rin ako yung walang boses at nagtatalon.
Napalingon ako sa harapan ko. Si Kyrus na napanganga sakin.
"Wahhhhhhhhh ano ba?! Kanina ka pa dyan?" umayos ako sa pagtayo.
"Oo, mukha kang naluwagan ng turnilyo sa utak—"
"Yaishhh!" itatapon ko na sana ang libro ko sa kanya pero tumakbo agad siya papasok ng bahay.
Pero kahit ganun ang pagkairita ko kay Kyrus ay di ko magawang mabadmood ngayon.
"Anyare dyan sa ate mo?" rinig kong bulong ni mama.
"Kanina pa yan simula nang pagpasok niya dito sa bahay, ma." sagot din ni Kyrus na pabulong ngunit naririnig ko naman.
Kasalukuyan kasi akong naghuhugas ng plato ngayon habang kumakanta. Kakatapos ko lang din maglinis sa sala kanina.
"Di kaya sinapian yang ate mo?" bulong ulit ni mama kay Kyrus.
"Baka naman naumpog ng malakas yung ulo, ma—"
"Yahh!! Nagbubulongan pa kayo nyan?!" nilingon ko silang dalawa.
"Nakakagulat ka naman, anak." sabi ni mama at napahawak sa dibdib niya.
Sinamaan ko sila ng tingin pero tinawanan lang nila ako. Wow. Tuwang-tuwa.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...
