12

91 5 0
                                        

Chapter 12

Pinahid naman ni Friz ang tinutukoy nitong tumalsik na dugo sa pisngi niya na parang wala lang. Agad na inalalayan niya si Blue sa pagtayo.

"Ayos ka lang ba talaga? May masakit ba sayo? Any wounds?"

Umikot-ikot si Friz kay Blue para icheck kung may sugat ba sa ibang bahagi ng katawan nito. Nagulat naman siya nang biglang hilain ni Blue ang braso niya at pinaharap sa kanya.

"Tanga ka bang babae ka?! Sino bang nagsabi sayong makisali ka at ipagtanggol ako ha?!"

"Pero gusto lang kitang tulongan-"

"Tulong? Hindi ko kailangan ng tulong mo! Pano kung napurohan ka ng mga lalaking yun ha?! Kargo de kosensya ko pa?!"

"Blue, a-aray... yung sugat ko..."

Agad na binitawan ni Blue ang braso niya at napasabunot sa sariling buhok nito dahil sa frustration. Nagsimula na siyang maglakad sa kabilang direksyon.

Nalungkot naman si Friz at inayos ang bondage sa sugat niya. Muli kasi itong dumugo dahil sa pakikipaglaban niya kanina.

"F*ck this. Follow me."

Ang akala ni Friz ay tuloyan na siyang iniwan ni Blue pero nagulat siya ng balikan siya nito at kinuha ang bag niya. Sinukbit niya ito sa balikat niya at siya ang nagbitbit nito.

"What?! Are you going to stay there?!"

Natauhan naman si Friz at agad na sumunod sa likuran ni Blue. Hindi nito alam kung saan sila pupunta at nanatiling nakasunod sa likuran habang pinipigilan ang mas lalong pagdurogo ng sugat niya sa siko.

Pumasok si Blue sa isang gate. Napalingon si Friz dito at namangha na may pagkalakihan ang bahay na ito.

"Papasok ka ba?! O aantayin mong magpassedout ka dyan sa dami ng dugong lumalabas sayo?!"

Nakapamewang nitong sabi at nakataas na kilay na tinatarayan si Friz.

"S-sorry. Ito na papasok na."

Agad na nagmadaling pumasok si Friz sa loob nito.

"Good afternoon, sir Blue— jusko po anong nangyari?! Bakit nagdurogo ang siko ng kasama niyo?!"

"Please clean her wounds and change the bondage, manang. Aakyat lang ako at magbibihis."

Tuloyan na itong pumasok at di sila nilingon.

Making that Gay fall for MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon