"Naman! Wag mo akong inaakit dahil matagal na akong naakit sayo!" sigaw ko na ikinatawa niya.
"Talaga? Prove it. Don't let Clyde win me." panghahamon niya sakin.
So this is Blue's playful side. He's all smiles. Lagi siyang walang emosyon pag humaharap sa ibang tao lalo na dito sa university. He rarely talks. He rarely socialize. In fact, wala akong kilalang naging matalik niyang kaibigan rito. Kaya ngayon ko lang ito nakita. It's refreshing.
"Napakayabang mo, Alviesta. Porket dalawa kami ni Clyde na may gusto sayo ngayon ha." tinarayan ko siya pero nanatili ang pilyong ngiti niya.
Nakakabanas talaga ang pang-aasar niya ngayon. I rolled my eyes at him.
"Akala ko ba liligawan mo ako?" tanong niya.
"Oo, kaya nga alam ko ang tono ng boses mo pag naiinis ka na. Ang paborito mong kape. Lagi pa akong nagchecheer sayo sa mga laro mo kahit nga training di ko pinalalagpas. Mahigit dalawang buwan na kitang nililigawan, Blue. Pero napakaarte mo at nirereject mo ako ng ilang beses." inismiran ko siya.
Nginigitian niya lang ako na tila ba nagpapacute siya sakin. Nahihiya ako kasi di ko mapigilang kiligin sa natatangggap ko na atensyon mula sa kanya.
"Tama na nga to ilang minutes na nyang naidampi sa noo mo. Ayos na yan—"
Sa pangalawang attempt ko na umalis, muli niya akong pinigilan at mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Not yet..." he stared directly in my eyes.
I can't believe this guy. Marunong pala itong lumandi at sobrang effective. Grabe pakiramdam ko nagpapalpitate na buong katawan ko sa ginagawa niya.
"Napakalandi mo, Blue. Ikaw na itong tsansing sakin ngayon." natatawang sabi ko.
"Why? Ayaw mo?" nakapout pa anak ng tinapa talaga.
Pigilan niyo ako itatanan ko na to.
"Ehe-ehemmm"
We heard someone cleared it's throat kaya napalingon kami sa pinto. Napalayo agad kami ni Blue sa isa't isa. Si nurse Amy na nakapamulsang nakatingin samin.
"Good Afternoon po, nurse Amy." bati naming dalawa.
"Hindi ito ang tamang lugar para maglambingan kayo." she said as she walks toward her table and gets something underneath it.
"Sorry po. Aalis na po kami." sabi ko at hinila na si Blue palabas ng clinic.
Tipid namang tumango si nurse Amy samin. Nang makalayo kami sa clinic ay hinampas ko si Blue sa braso.
"Ow! What was that for?" reklamo niya at hinimas ang braso niya.
"Ikaw kasi! Nakakahiya kay, Nurse Amy." bulong ko habang nagmamadali kaming maglakad.
"So ikinakahiya mo ako?"
Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Hindi kita ikinakahiya, Blue. Ang sa akin lang baka kasi iba yung iniisip ni Nurse Amy na ginagawa natin kanina which is wala naman—saka loko ka ba? ikaw ikakahiya ko? Gusto mo ipatattoo ko pa yang pangalan mo sa noo ko para may transparency kung gano kita pinagsisigawan sa buong world, the universe rather." panggagaya ko kay Pia Wurtzbach sa dulo.
He burst out in laughter.
"D*mn, Friz. Di ko na alam gagawin ko sayo." natatawa at napapailing na sabi niya.
"Uy natawa siya. Pano ba yan ako na happiness mo nyan?" pang-aasar ko at muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.
"Ikaw naman talaga." bulong niya na narinig ko.
"Anong sabi mo?" I asked as I want to hear it once again.
"Wala. It was your delusions." sabi niya at mabilis na tumakbo palayo sakin.
"Blue! Narinig ko yun! Ulitin mo dali irerecord ko!" sigaw ko at hinabol siya habang hawak ang phone ko pero tinawanan niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...