1 month na ang nakalipas simula nung first date namin ni Blue. At oo, hindi na yun naulit pa. 1 month na rin akong patuloy na hinahabol si Blue kahit pa sa mga training niya. As usual ganun naman talaga.
Andito kami ngayon ni Carlyn sa isang bench. Pareho kasi kaming wala yung prof sa next sub namin kaya tambay muna kami dito for 1 hour.
"Carlyn, may crush ka ba dito sa university natin?"
"Bakit mo natananong?" ngumunguya niyang sabi.
"Dali na. May crush ka nga?" pangungulit ko pa.
"Well..."
Natigil siya sa pagsalita kaya napalingon kung saan siya nakatingin. Isa lang naman ang tingin kong direkta ang tingin niya.
"Kay Pierce? Pierce Sarmiento? Yieeeeeee"
Agad na napabaling ang tingin niya sakin.
"H-hoy, hindi ah." nauutal niyang sabi habang umiiling.
Si Pierce Sarmiento ay captain ng soccer team namin. Oo, gwapo rin. Matalino at sporty. All in one kaya lang t*rantado. Iba't ibang babae nalilink sa kanya e.
"Hay naku. Red flag yang lalaking yan. Sasaktan ka lang. Womanizer e. Wag na sa kanya, Carlyn." I said while sipping my fruit juice.
"Alam ko naman yun. Kaya lang crush ko siya since highschool e. Hindi naman siya ganyan dati. Napakacharming niya at higit sa lahat hindi rin siya marunong manakit ng babae. Kaya nga nagulat ako nang biglang pagtongtong niya sa college, may sudden changes na sa ugali niya."
"Natry mo bang magconfess sa kanya?"
Napayuko naman siya at pinaglalaruan ang mga daliri niya.
"Uh... hindi e. Nakakahiya."
"Anong nakakahiya? Tanga. Gusto mo bang pagsisihan na hindi ka nagconfess sa kanya buong buhay mo? Sige ka, you will be stuck forever full of what if's."
"Pero kasi ano—"
"Takot kang mareject? Naman, Carlyn. Okay lang mareject once, twice or even many times. At least triny mo. At least sumugal ka." I bumped her shoulder slightly.
Inangat niya ang tingin sakin kaya mabilis akong ngumiti at tumango.
"Madaling sabihin sayo yan kasi immune ka na sa mga rejections ni Blue—"
"Ay grabe siya oh."
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...
