"S-sorry..." nahihirapang bigkas ko.
Agad akong tumalikod at nagsimulang maglakad paalis sa clinic.
"Sandali! Friz!"
Mas minadali ko pa ang bawat paghakbang ko. Sa sobrang bigla ko sa nakita ko kanina, hindi ko kayang itakbo ang mga paa ko ngayon.
"Friz, ano ba?!"
Hinila ni Blue ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. Hindi ako makatingin ng diritso sa kaniya kaya niyuko ko na lang ang ulo ko. Sapatos niya lang ang nakikita ko.
"Wala yun! Hinatid niya lang ako—I mean sinamahan niya ako sa clinic—k-kasi natamaan niya ako ng bola sa noo. Ito nga oh! Tignan mo."
"Bitaw, Blue..." mahinang boses na sabi ko pero sapat lang para marinig niya.
"Friz, wala nga yun! Wala na akong gusto ron di ba? Sinabi ko na sayo kanina. Saka a-ano y-yung nakita mo k-kanina tinulongan ko lang siya, okay? Kasi may ano... may langgam na kumagat sa likod niya!" nauutal at natataranta niya pa ring pagpapaliwanag.
Nanatili pa rin akong nakayuko.
"F*ck! Why am I explaining things to you? It's not as if we're in a relationship. Pero yung bibig ko p*ta ayaw papigil... Friz, eyes up here."
"Ayoko."
"Friz naman... wag ka namang ganito oh. Friz—"
Hahawakan niya sana ang chin ko para tumingin ako sa kanya pero pinigilan ko siya.
"Ayoko nga sabi—"
"Aray!"
Kamay sana niya ang itatabig ko pero mukha niya ata ang natamaan ko. Agad akong nataranta at lumapit sa kanya.
"Blue! Sorry! Di ko sinasadya. Saan? Saan yung masakit?!"
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Medyo nakatingala pa ako kasi mas mataas siya sakin.
"Ikaw kasi ang arte mo! Yan tuloy pinalala mo pa yung bukol sa noo ko." reklamo niya.
"Sorry na nga. Mag-squat ka nga ng kunti para macheck ko."
Sinunod naman niya kaya hinawi ko yung bangs niya ng kunti sa gilid. Naku mukhang lumala nga yung bukol sa noo niya. Hinipan ko ito.
Tinignan ko naman si Blue para icheck kung anong magiging reaksyon niya pero nakatitig lang siya sakin. Ramdam ko ang nginig ng kamay kong nakahawi sa bangs niya.
Grabeng titig yan, Blue. Parang matutunaw ako.
As I stared back in his eyes, I felt my heart thumping so fast. G*go, heart... kumalma ka utang na labas.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...