Chapter 61
Handa akong tumanggap ng sampal o kung anuman. Pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.
"Ayos ka lang ba, Friz? Magkasama ba kayo ni Blue nang mangyari ito?" kalmado niyang tanong at humiwalay sa pagkakayakap sakin.
"Tita, I know how much you value and love your son pero... I failed to... I-i'm sorry..."
Hindi ko alam kung saan magsisimula.
"It's okay, eija. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Makikinig ako." she smiled at me for assurance.
Ikinuwento at ipinaliwanag ko ng mabuti kay Tita Sally ang nangyari. Nakita ko ang pabago-bago ng reaksyon sa mata niya. Gulat, galit at pagkaawa sa nangyari.
"Sorry po talaga, tita. Hindi po dapat nangyari ito kay Blue kung di dahil sakin-"
"Shhhh Friz, there's no need for you to be sorry for. Pareho lang kayong naging biktima ni Blue sa nangyari. Ang tigas kasi talaga ng ulo ng batang yan. Sinabi ko namang kumuha na lang siya ng sariling driver at sasakyan niya para hindi niya na kailangang maglakad pa." napahilot sa sintido si tita at napaupo na lang sa sofa habang tinitignan si Blue.
"Oh and by the way, kakagaling ko lang sa presinto kanina before I proceeded here. I've already filed a case sa tatlong lalaking nanakit sa inyo. At dun sa ginawa mo, Friz. Hindi yun tama. Wag mong ilagay sa kamay mo ang batas, hmm?"
"Sorry po. I just lost control..." nakayukong sabi ko.
"It's good that you recognized and learned from your mistakes. Anyway, ayos ka na ba talaga, Friz?"
"Ah opo naipagamot ko na po ang mga sugat at galos ko."
Tumingin ako pabalik kay Blue. His eyes are still closed.
"Nagkaprogress ka na ba, eija?"
Napabaling ang tingin ko kay tita Sally dahil sa tanong niya.
"I think hindi mo na kailangang sagutin yun. Alam kong hindi basta-bastang ihaharang ng anak ko ang sariling katawan niya para kung kani-kanino lang." nakangiting sabi ni Tita.
"Tita-"
She cut me off.
"Nagtatampo ako sayo, Friz. You didn't visit me in our house after that dinner. Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?"
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...