3

102 5 0
                                    

Chapter 3

"MAMAAAAAAAAA MAGKAKABOYFRIEND NA ANAK NIYO!!!!"

Sumigaw ako pagkatapos kong isara ang pinto sa likuran ko. Dumiritso agad ako sa kusina kung saan nagluluto si mama. Pareho kaming mahilig magmidnight snack ni mama.

"Shhhh ba't ka ba sumisigaw? Magigising yung mga kapitbahay." bulong ni mama.

Maingat na nilapag niya ang nilutong pancit canton sa isang plato. Umupo na ako para lantakan ang niluto ni mama.

"Anong sinasabi mong magkakaboyfriend ka na?"

"Ma, ang gwapo niya sobra. Love at first sight ata huhu- aray!"

Napahawak ako sa buhok ko bigla kasing hinila ni mama.

"S*ra, anong love at first sight? Kayo talagang mga kabataan ngayon. Crush pa nga lang nilalove na."

Kumuha rin si mama ng isang tinidor at pinagsaluhan namin ang niluto niya. Kita niyo? Parang magbarkada lang ang turingan namin sa isa't isa.

"Totoo nga ma, mahal ko na."

"Tigilan mo ako, Friztelle. Baka masapok kita ng plato."

I pouted. Si mama talaga sinisira ang kasiyahan ko. Alam niya kasi unrequited love ito. Naman, Blue! Ayusin mo desisyon mo sa buhay! Itong alindog kong to, tinatanggihan mo? Ha! You'll regret this.

"Pag naging boyfriend ko siya, ma. Ipapakilala ko agad siya sainyo."

"Tigilan mo ako sa one sided love na yan, anak. Oh siya sige na. Iligpit mo na yan at matutulog na tayo."

Humiga na ako sa kama ko. Ang hindi alam ni Blue kanina ay nakuha ko ang number sa likod ng ID niya. Dali-dali akong nagtipa ng message para sa kanya.

: Mahal din kita :)

Blue: wrong message?

: Hindi, Blue. Ako to si Aa.

Blue: stop messaging me. Sinong Aa?

: Aasawahin mo yi333333333

-Your number has been blocked-

"Anak ng- BLUE NAMANNNNNNNN!"

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon