55

29 2 0
                                    

Chapter 55

Third Person's POV

Natawa ang tatlong lalaki nang sinalo ni Friz ang sampal na dapat sana ay sa kaibigan niya.

"Friz! Napakawalanghiya niyo! Friz, ayos ka lang ba?" ani ni Carlyn.

Agad na hinawi ni Friz ang buhok na nasa mukha niya.

"Carlyn, umalis ka na dito ako na ang bahala."

Hinaharang ni Friz ang sarili niya para protektahan si Carlyn mula sa mga ulupong na humaharang sa kanila.

"Ay ayan na naman siya oh. Nagpapakabayani na naman HAHAHAHA"

Nagsitawanan silang tatlo. Dalawa sa kanila ay may bitbit na bat at ang lider naman nila ay may hawak na bakal. Kung titignan mong mabuti, dehado si Friz sa laban lalo na't wala itong dalang kung anumang maari niyang ihampas sa kanila.

"Friz, hindi kita pwedeng iwan dito."

Humawak si Carlyn sa braso ni Friz. Dapat sana'y sasamahan lang siya ni Carlyn sa bahay nito para ibigay ang pasalubong na binili sa kanya ng mama niya. Pero kita mo naman ang nangyari at nadamay pa ito.

"Carlyn, makinig kang mabuti. Wala ka bang tiwala sakin?" bulong niya rito habang umaatras sila ng kunti.

"Meron, pero-"

"Please, ayokong madamay ka. Ganito na lang, just ask for help. Susunod agad ako."

Mas hininaan pa ni Friz ang boses niya. Mas lalo lang natatawa ang tatlong lalaki sa ginagawa nilang pag-atras at palihim na bulongan. Akala nito ay nanginginig si Friz sa takot at gusto ng makatakas mula sa kanila.

"Sorry, Friz. Babalikan kita, hihingi lang ako ng tulong. Mag-ingat ka!"

Agad na tumakbo si Carlyn palayo. Naiiyak pa ito dahil sa takot at pag-alalang baka kung ano pa ang mangyari kay Friz na iniwan niya.

"Hoy! Bumalik ka rito-"

"Hayaan mo na. Bangkay niya ng madadatnan ang kaibigan niya mamaya dito."

Sa kabilang banda, mas lalong sumiksik sa likod ng poste si Blue at Kyrus nang makalagpas na si Carlyn sa kanila. Gustohin man ni Blue na tulongan si Friz ay napakuyom na lang siya ng kamao dahil sa frustrasyon na wala siyang magawa at hindi niya kaya ang pakikipaglaban ng katulad ni Friz.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon