4

135 6 0
                                        

Chapter 4

Kinabukasan inspired akong pumasok sa university. Unang gagawin ko hahanapin ko kung saang department si Blue. Teka? Di ko alam last name niya.

"Excuse me po. May kilala po kayong student dito na Blue ang pangalan?"

Binaling ng isang babae ang tingin niya sakin.

"Blue? As in yung bakla?"

Ay grabe yung mapanghusgang mata niya isabay mo pa yung pandidiri sa tono ng boses niya. Umayos ako ng tayo.

"Miss, ba't mo siya hinahanap? Kung isa ka sa mga shungang naghahabol sa baklang yun, please stop. Ni hindi nga ako tinapunan ng tingin non' magkainteres pa kaya sayo?"

Pigilan niyo ako. Titirisin ko to'

"Ahh so you were rejected by him. Obviously, kaya mo siya sinisiraan ngayon dahil di mo matanggap na di ka niya gusto."

"How dare you-" tinaasan niya ako ng kilay.

"Di bale na. Sa iba na lang ako magtatanong kaysa isang katulad mong desperadang naninira ng iba just because you were once or many times rejected by the same guy."

"You w*tch!"

"Hep!"

I raised my hand to stop her.

"If you try to hurt me right now, para mo na ding pinapatunayan na totoo lahat ng sinabi ko kanina. Go on." I stepped closer to her.

"Try me."  I stared blankly in her eyes.

Napaatras naman siya. Nilingon niya ang mga estudyanteng nakatingin sa amin. With those glaring eyes, she slightly pushed my shoulder using her index finger.

"I hate you." she left after saying that.

Taas-noo naman akong naglakad sa kabilang direksyon. Kala mo ha. Ang taray ng kilay mo kala mo naman kinaganda mo yan.

"So may isang babae na namang nabihag ang damdamin sa isang Blue Fiel Alviesta..."

Napalingon ako sa nagsalita. She's a bit taller than me. Nakaponytail ang buhok niya at ngumunguya ng gum. Sumabay siya sakin sa paglalakad. She's actualy pretty.

"At sino ka ba?"

"Ako? Ako lang naman ang nakakaalam kung nasan ang bak- I mean lalaking hinahanap mo."

"You know Blue? Saan ko siya mahahanap? Kaklase ka ba niya? Ex ka ba niya?"

"Isa-isa lang, miss. Mahina ang kalaban."

Making that Gay fall for MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon