Naikwento ko na ang lahat kay Carlyn. Nung una ay nagulat pa siya sa naging desisyon ko. Akala niya raw ay nagbibiro lang ako. Pero kalaunan ay naniwala din siya.
Kung ako ay nasa process ng pagmomove on. Si Carlyn naman ay tinutulongan kong makalapit kay Pierce. Pareho kasi kami ng course ni Pierce pero hindi kami magkaklase but since may event yung department namin ay nagjoinforce ang section namin at ang section ni Pierce sa pagoorganize ng event. Mas lalo lang akong ganadong tulongan si Carlyn kay Pierce.
"Pierce, close kayo ni Clyde?"
"Hindi e. Bakit may gusto ka sa kanya? Pwede kitang ireto." he chuckled before he drink his water.
"Hindi ako, sira. Yung kaibigan kong bakla?"
Naibuga niya ang tubig sa harapan at mabilis akong nilingon.
"What?!"
"Eh yun na nga. Tingin mo interesado siya sa guys?"
"Dati may nililigawan yang babae but I don't really know kung nagkatuluyan ba sila non. Interesado sa kapwa lalaki? Hindi ko rin sure. Baka? Pwede? Ewan?"
"Ganun ba..."
Napaisip naman ako. Shets kung hindi naman pala sure kung magkakainteres ito kay Blue. Edi game over na sakin if biglang mahulog ang loob non kay Blue.
Napailing ako sa mga iniisip ko. Maygahd, Friz akala ko dumidistansya ka muna?
"Ay nga pala Pierce, ganito yun. I suggest yung mga maliit na decorations sa harapan na lang. Okay ba yun?"
Naitanong ko rin si Pierce sa kung anong tipo niya sa babae. Ang sagot naman niya ay marami. G*go talaga. Natawa na lang ako pero ang main goal ko lang talaga ay mapaconfess si Carlyn sa kanya. Ayokong hilingin na sana magkatuloyan sila pero at least I tried na mas makilatis ang pagkatao niya. And I figured out, he's a hopeless case. So no. Hindi ko na siya ipupush pa para kay Carlyn.
"Yeah, I think that's good, Friz. But I think you should change your clothes first haha"
Napatingin ako sa damit ko. Puno ng pintura.
"Gosh, ang dugyot ko na hahaha"
Nagtawanan lang kaming dalawa sa katangahan ko.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...