Binigay niya sakin ang cap ko at mabilis siyang pumara ng taxi. Tuluyan na itong pumaharurot paalis.
"Ano ba yan.. di man lang nagthank you. Apakasungit." bulong ko sa sarili ko.
Well, andito naman na ako sa labas ng university. Pupunta na lang ako ng mall at ililibang muna ang sarili ko.
"Kuya isang popcorn po—"
"Dalawa. Dalawang popcorn."
Napalingon ako sa nagsalita. Si Blue. Ngumiti agad ako.
"Akala ko umuwi ka na talaga—hmmm"
Sinubo niya sakin isang dukot-kamay ng popcorn sa bibig ko. Nginuya ko na lang ito at kinuha ang popcorn ko. Nauna ng maglakad si Blue kaya agad ko siyang hinabol at tumabing naglakad sa gilid niya.
"Anong ginagawa mo?"
"Di ba magdedate tayo?"
"Anong date? Tanga, pasasalamat ko lang yan sayo sa pagtulong mo sakin kanina."
"Still. Magdedate pa rin tayo. Lezgooooo!"
"Hoy!"
Dumiritso ako sa ticket booth at bumili ng dalawang ticket. Comedy yung papanuorin namin. Bigla naman akong hinila ni Blue palapit sa kanya.
"Friz, what the hell are you doing? I'm not going with you." bulong niya na may diin.
"Shhhh ako bahala sayo. Sagot kita." nginitian ko siya.
"Cute niyo po, ma'am. Bagay kayo." komento ng cashier.
"Hindi niya ako boyfriend—"
"Ay naku thank you po, ate. May house and lot kayo mamaya sakin." kinindatan ko siya.
Natawa naman ang cashier sa sinabi ko. Agad ko namang hinila si Blue para makapasok na kami sa loob ng sinehan.
After naming manuod ng movie ay pinilit kong hilain ulit si Blue papunta sa arcade. Naiirita naman siya sakin dahil winawaldas ko raw ang pera sa mga ganitong walang kwentang bagay. Kaya naman siya na ang nagbayad para sa gagamitin naming tokens. Akala ko maglalabas siya ng atm. Buti na lang kamo may extrang cash naman palang dala.
"Friz, this is not my thing. Can I just go home now? Ikaw na ang bahalang umubos ng mga tokens na yan. Uuwi na ako—"
"Hep! Date natin to at walang kokontra." kinawit ko ang kamay sa braso niya.
"The f*ck? This is not a date—"
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...