41

53 2 0
                                    

Napaawang ang bibig ni Blue sa sinabi ni Clyde. Nababaliw na ba ito?

"Seryoso ako. Ako ang may kasalanan kung bakit ka natamaan ng bola." ani nito.

Gustong matawa ni Blue sa isipan niya. Seryoso ba to? Ngayon lang talaga ito nangyayari sa kanya? Wala na talaga siyang maramdamang kilig. 'D*mn it!' he cussed inside his head.

Lalapit na si Clyde kay Blue dahil nauubusan na ito ng pasensya rito.

"Wait! Alright, you'll go with me. Maglalakad tayo ng maayos." pigil niya rito.

Nakasunod lang si Blue sa likuran ni Clyde hanggang sa makarating sila sa clinic.

"Hello? Nurse Amy?!"

Naunang pumasok si Clyde at hinanap ang nurse. Alam ni Clyde na may harang ang pinto dahil sira ang lock nito dahil kakagaling lang ng nainjury niyang teammate kahapon dito na hinatid niya rin. Pero nakalimutan niyang sabihin ito kay Blue na hindi sinasadyang nasipa ang harang.

"Wag mong alisin yung harang!" Clyde shouted.

Napatakbo si Clyde sa likuran ni Blue pero huli na at nasara na ang pinto sa likuran nito.

"Bakit? Anong problema?" nagugulohang tanong ni Blue kay Clyde.

Napasapo siya sa noo niya at hinarap si Blue.

"Nasira yung lock kahapon pa and it can't be open here inside. Kaya may harang sa pinto."

Bumilog ang mga mata ni Blue sa narinig niya.

"So you mean we're locked in here? Bakit hindi nila agad inayos?!" Blue exclaimed.

"Ngayon pa raw darating yung maintenance team."

Blue can't believe this is happening to him right now. Nagpabalik-balik siya sa pinto at sumilip sa bintana. Sumigaw na siya para humingi ng tulong pero wala pa rin.

"It's useless. Walang dumadaan sa hallway ng ganitong oras. May klase pa." komento ni Clyde.

"Did you bring your phone with you?" tanong ni Blue.

"Hindi eh. Naiwan sa room."

Napapikit si Blue sa inis. Katulad ni Clyde ay naiwan rin nito ang phone niya sa bag.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon