Chapter 53
Mas lalo lang kaming pinagbubulongan ng mga estudyanteng nakakasalubong namin.
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Pinagtitinginan tayo ng mga tao." mariin na bulong ko.
"So? Ayos nga yun. Para malaman nilang taken ka na—ow!" siniko ko siya sa tagiliran niya.
Kung dati pa siguro to' kinikilig ako. Pero ngayon wala akong ibang maramdaman kundi pagkairita sa ginagawa niya. I'm awared enough na wala na akong natitirang paghanga sa kanya.
Tatanggalin ko na sana ang pagkaakbay niya sakin nang bigla kong makitang naglalakad si Friz at ang kaibigan niya patungo sa direksyon namin. She's glaring at Clyde. Napangisi ako.
"Sige, Clyde. Tara na." sabi ko.
Pinanliitan ako ni Friz ng mata. She's signing me she's watching me. Natawa ako. Ang cute.
"Bitaw, Clyde." ani ko nang makalagpas na si Friz at kaibigan niya samin.
"Kanina lang ang ayos ng boses mo. Ngayon naman galit ka. Ano ba talaga—"
Hinipan ko ang tenga niya kaya natigilan siya at lumuwag ang pagkakaakbay niya sakin. Agad akong dumiritso sa ground.
Nagstretching ako katabi ng mga teammates ko. Nakita ko namang dumiritso si Clyde sa ground.
"Kayo ba ni Clyde?" tanong ng teammate ko.
"Hindi." diritso't kalmadong sagot ko.
"Eh pero—"
Hindi ko na inantay ang sasabihin niya at nagsimula na akong tumakbo.
Habang tumatakbo ako paikot sa ground napaisip ako. Pano pala pag naging kami ni Friz? I mean basta yun. Tatanggapin kaya ako ng pamilya niya? What if hindi? What if mas gusto nila yung lalaking hindi lalamya-lamya ang galaw katulad ko?
"Blue! Sama ka?!" sigaw ng mga teammates ko.
Inaaya nila akong kumain sa labas at magbar pagkatapos. Lagi ko silang tinatanggihan. Hindi sa ayaw ko silang kasama. It's just that I don't want loud and crowded places.
"Hindi." tipid na sagot ko habang umiiling at kumaway na sa kanila para magpaalam.
Pauwi na ako ng mapaisip ako, I've never seen Friz today. Actually only once yung sa hallway.
'Namimiss mo kasi siya.' bulong ng isang bahagi sa isip ko.
"The heck?! Of course not!"
Napalingon sakin ang mga tao. Sh*t I've said it out loud.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...