18

51 3 0
                                    


May sports event na magaganap ngayon sa university namin. Siyempre may ibang university na invited for this day. From soccer, basketball, running sports at marami pang iba. May pagkamalawak kasi itong university kaya dito ito ginanap.

Syempre papakabog ba tayo? Kasali din ako sa taekwondo tournament ngayon. Balik training kasi ako for the past 2 weeks. Ngayon ko masusubukan kong bumabalik na ba ako sa dati kong liksi sa pakikipaglaban.

"And the winner is... BLUE TEAM!"

"AKO?! Wuhooo"

Lumabas na ako sa mat at masaya akong sinalubong ni Carlyn. Nagtatalon ako sa saya.

"Congrats, Friz! You did so well! Wag mong gawin sakin yun huhu!"

Natawa ako sa last comment niya. Siyempre papalampasin ko bang hindi mapanuod ang bebe ko? Hindi yun mangyayari. Agad akong sinamahan ni Carlyn sa cr at mabilis kong hinubad ang taekwondo uniform ko. Nagbihis at nagretouch ng kunti. Kailangan fresh di ba?!

"Nakita ko si Blue kanina." usal ni Carlyn.

"Talaga? Saan?"

"Hindi ko alam kong sinadya ba talagang manuod sa game mo or napadaan lang siya kanina sa court. Pero nakita kong napanuod niya ang game mo."

Napangiti ako.

"Oh aasa ka naman. Hindi ko nga sure kung-"

"Sapat na yun. Wag mong sirain ang mood ko, okay? Tara na!"

Napailing na lang siya kaya inakbayan ko na at sabay kaming pumunta sa open ground. Inayos ko ang banner ko.

"GO BLUE!!!!" sigaw ko.

I don't know if he heard me or not. Or he heard me but chooses to ignore me. Ang mahalaga ay buo ang suporta ko sa kanya. May tinira pa kaya akong energy para icheer siya ngayon.

Sa huli ay panalo si Blue at sobrang tiliian ang natanggap niya hindi lang mula sakin pero mula sa schoolmates namin na karamihan ay mga babaeng humahanga rin sa kanya.

Medyo basa kasi ang ground dahil bahagyang umulan. Nung patakbo na sana siya para kunin ang gamit niya bigla siyang nadulas at bumagsak sa putikan. Napatayo agad ako at lalapitan na sana siya. The crowd was so surprised. Ang iba ay naawa pero karamihan ay pinagtatawanan siya.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon