Chapter 78
"Nga pala. Hindi ko sinasabi sayo to dahil inutos ni Pierce o anuman. Ang saakin lang, pareho ko kayong kaibigan. Wala akong pinapanigan. Gusto ko lang mag-usap kayo." sabi ko.
"Friz, hindi naging kami ni Val dati yung tinutukoy niyang lalaki. I was grounded for two weeks na walang phone kaya hindi ko masagot ang mga tawag at text niya. Kaya nga sinusubukan ko siyang iaapproach ngayon but everytime na susubukan kong makalapit sa kanya ay iniiwasan niya lang ako. I've always wanted to talk to him..." she paused for a while.
Sumipsip naman ako mula sa coffee helly ko habang tahimik na nakikinig sa kanya.
"Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya, Friz. Pero gusto ko siyang makausap at linawin sa kanya ang lahat hindi para tanggapin niya ulit ako sa buhay niya at mahalin ako pabalik. Kundi para sa closure. Gusto ko lang malaman niya ang side ko. I'd even be contented if he'll just hear me out and say nothing."
I've rested her head against my shoulder.
"Pareho lang kayong nasaktan sa nangyari. Hayaan mo, Carlyn tutulongan kita para makapag-usap kayo ni Pierce." I tapped her shoulder.
"Salamat, Friz..."
Yun ang nangyari kanina.
Kasalukuyan na akong palabas ng university. Sa sobrang distracted ko sa dalawang yun, nakalimutan kong tawagan ang boyfriend ko.
"Hello, Blue? May training ka pa?"
"Actually wala. Hindi muna ako pinapabalik ni coach sa training. Maybe by next week?" sagot niya sa kabilang linya.
"Thank you sa snacks. Sobrang nagustuhan ko."
"Really? Then why are you looking so sad right now?"
Napalingon ako sa paligid ko. Nakikita niya ako?
"Look in front of you."
Nasa kabilang daan siya at tipid na kumaway sakin.
Mabilis kong pinatay ang tawag at tumawid sa kalsada.
"Kanina ka pa dito?" tanong ko.
He hugged me.
"Namiss kita." he whispered.
"Blue, nagkita tayo kanina." natatawa kong sabi at niyakap siya pabalik.
"I still miss you. You didn't even call me after recieving the snacks." may pagtatampo sa tono ng boses niya.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...
