15

41 2 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng mommy ni Blue sakin kanina. Talaga bang pinupush niya ako para sa anak niya? Kinikilig ako sobra. Ayoko lang ipahalata kanina.

"Eija, you can visit here anytime."

"Mom..." Blue lowly groaned.

"What? She's not visting you. Ako ang bibisitahin niya dito. Right, Friz?"

Napalingon ako kay Blue na nakatalikod ngayon sa gawi ng mom niya. He's signing me to say no.

"Ah haha try ko po, tita."

"Please don't just say, you'll try. Our house is very much welcome for you."

Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko para bang ginagawa akong hostage ngayon ni Blue. He's consequently throwing glares at me right now. Tipid na lang akong ngumiti sa mom niya.

"Salamat po uli sa dinner, tita. I'll go ahead."

"Hep. Ihahatid ka ni Blue sa bahay niyo."

"Mom, why-" napalingon si Blue sa kanya.

"Babae si Friz at gabi na. Nakalimutan mo bang nasaktan at nagkasugat siya dahil sayo?" she crossed her arms.

"Pero nasa kanto lang ang bahay niya at mas kaya niya pang ipagtanggol ang sarili niya kaysa sakin-"

"Tita, it's fine." sambit ko.

"No, it isn't. Blue..."

Tinignan niya ng seryoso si Blue.

"Okay okay, fine. Hey, tara na aalis na tayo."

Nauna na si Blue sa paglabas ng gate nila. Binalik ko naman ang tingin ko kay tita.

"Oh ayan ha. Solong-solo mo na anak ko this time. Make sure magkaprogress ka sa kanya."

"Po?"

"Matigas lang ang ulo non' pero mataas na pasensya lang ang kailangan mo. Lalamya-lamya lang din ang galaw non' pero alam kung darating din ang araw na lalambot ang puso nyan sayo. Trust me." she winked at me.

Napakaplayful at jolly ng mom ni Blue. Baliktad sa ugali ng anak nito na halos kainin ako ng buhay sa tingin palang.

Nasa gilid na kami ngayon ng daan habang magkasabay na naglalakad.

"Blue-"

"Shut it. You don't need to thank me. Quits lang tayo." he put his two hands on his pocket.

Ramdam kong ayaw niyang makipag-usap sakin kaya tumahimik na lang din ako.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon