27

47 2 0
                                    

"Tara na."

Hinabol ko agad si Blue para magkasabay kaming maglakad. Palabas na kami ng mall. Tignan mo nga naman ang oras. 5pm na.

"Blue, ba't ka nga ba walang kotse?"

"Ang random naman ng tanong mo."

Tinitigan ko lang siya at hinintay na sagutin ang tanong ko.

"Fine. Ayoko lang. Ayokong isipin nila na nagmamayabang ako sa yaman namin if may kotse ako at sariling driver."

"E motor? Ayaw mo?"

"Bakit ka ba nagtatanong tungkol sa mga sasakyan ha?"

"Wala lang. Curious lang ako." nagkibit bakikat ako at muling binaling ang tingin ko sa harapan.

"I have a motorcycle at home. But I rarely use it. Only if it's needed."

Tumatango naman ako.

Pumara si Blue ng taxi. Agad niyang binuksan ang pinto. He's just there, standing and staring at me. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa pintong nakaawang. Then I slowly realized he was opening the door for me.

"Ahhhh hindi na ako sasabay sayo, Blue. May tinext kasi si mama sakin na iuutos niya. Bakit? Pinagbubuksan mo ba ako?" I teased him.

"What? No. Asa ka. Baka lang may gustong maunang sumakay. Ah excuse me! Gusto niyo pong maunang sumakay? Ayos lang po kung mauna kayo." binaling niya ang tingin sa mga taong kakalabas lang sa mall.

Obviously, nagpapalusot lang siya. Mas lalo lang akong ngumiti na ikinakunot ng noo niya.

"Ano ba?! Sasakay ba kayo? O hindi?!" sigaw ng driver ng taxi.

"Naku sasakay po, Oo. Sakay ka na, Blue."

Wala lang naman kay Blue ang pagsigaw ng driver at kalmadong sumakay sa taxi.

"Blue!"

Hindi siya sumagot pero nilingon niya ako.

"Thank you sa first date natin! Nag-enjoy ako sobra! Sa uulitin-"

Hindi pa man ako nakakatapos sa sasabihin ko ay sinara niya na ang windshield at agad na umalis ang taxi. Kumaway na lang ako rito.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon