Chapter 67
"Galit yarn?" biro ko pa.
"Yan ang problema sayo, ate. Dinadaan mo lahat sa biro." sabi niya at muling binaling ang atensyon sa phone niya.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
"Sorry na nga. Hindi na ulit mangyayari yun. Oh promise!" tinaas ko ang kanang kamay ko.
Panandalian niyang binaling ang tingin sakin pero sinungitan niya lang ako.
Niyakap ko siya sa braso at siniksik ang sarili ko sa kanya.
"Ano ba?! Naglalaro ako, ate!" reklamo niya at tinatanggal ang pagkakayakap ko sa braso niya.
"Sorry na sabi. Wag ka ng magtampo sakin." pagpapacute ko pa.
"Oo na. Lumayo ka na tumitindig balahibo ko sa kacringehan mo!" umusog siya palayo sakin.
Natawa ako at hinampas siya sa braso.
"Kahit siguro sainyo ni mama mangyari yun, I'll still do the same thing—"
"Ate!"
"Oo na, hindi na nga. Pero maiba lang, suportado mo ba si Blue bilang bayaw mo?" tanong ko.
"Depende."
"What do you mean? Depende kung papasa siya sa inyo ni mama?" curious na tanong ko.
"Depende kung pareho din ba kayo ng nararamdaman—aray!" pinitik ko ang tenga niya.
"Ang sama mo! Siyempre mahal din ako non. Isipin mo hinarang niya ang sarili niya para maprotektahan ako kyahhhhhh" kinikilig kong sabi at hinahampas siya ng unan.
"Aray! Ano ba?! Parang tanga naman to." reklamo niya at pinoprotektahan ang ulo niya gamit ang braso niya.
"Di ba? Kita mo naman yung care sa actions niya. Mahal niya talaga ako."
"Ang assumera mo naman agad. Baka naman mahal ka lang as a friend. Pwede naman yun."
"Ah ganun?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano ba?! Bababa kayong dalawa dyan o kakaladkarin ko kayo papuntang kusina?!"
Napatayo agad kami ni Kyrus dahil sa sigaw ni mama sa baba.
"Opo! Andyan na!"
"Pababa na kami, ma!" sigaw naman ni Kyrus.
Nag-uunahan kaming makalabas sa kwarto at nagkatulakan pa pababa sa hagdanan.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
عاطفيّةOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...
