Chapter 66
"Ano?! Kamuntikan mo ng mapatay ang isang lalaki dahil sa galit?!"
Napaigtad kaming dalawa ni Kyrus dahil sa sigaw ni mama. Pareho naming ipinaliwanag kay mama lahat ang nangyari.
Nakayuko lang kaming dalawa ni Kyrus na nakaupo sa sofa habang si mama naman ay nasa harapan namin.
"Ma, sorry. Hindi ko po yun ginustong mangyari. I lost control. Alam ko po hindi sapat na rason yun pero hindi na po mauulit."
"Siguraduhin mo lang, Friztelle. Dahil hindi ka namin pinayagan ng papa mo na magtraining sa martial arts at taekwondo para pumatay ng tao. At ikaw naman, Kyrus—"
"Ma, wala akong kasalanan ha. Pinilit nila akong wag munang ipaalam sayo ang nangyari!" depensa agad ni Kyrus.
"Friz, ayoko ng maulit ang nangyari. At Kyrus, iwasan mo ngang umuwi ng gabi. Kayong dalawa ng ate mo. Ninerbyos ako sa inyo e ha. Jusko, ling. Ano na bang nangyayari dito sa dalawang anak natin?" napaangat ng tingin si mama sa itaas na para bang kinakausap si papa.
"Sorry na, ma."
Lumapit ako at niyakap siya.
"Akyat na muna ako, ma." singit ni Kyrus at mabilis na umakyat patungo sa kwarto niya.
"Ano namang problema ng isang yun?" tanong ni mama.
"Ewan ko dyan. Ang tindi ng moodswings." walang ganang sabi ko.
"Umakyat ka na sa kwarto mo at ng makapagbihis ka na. Ingatan mong di masagi ang mga sugat mo. Hay nakung batang ere sinasayang mo ang ganda na pinamana ko sayo."
Natawa ako at tumayo na para umakyat sa kwarto ko.
"Tawagin mo na rin ang kapatid mo pagkatapos. Maghahapunan na tayo."
"Opo."
Tapos na akong magbihis kaya dumiritso ako sa kwarto ni Kyrus at kumatok sa pinto niya. Agad niya akong pinagbuksan pero bumalik din siya sa pag-upo sa kama niya. Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto.
"Anong problema mo?"
Naglalaro siya sa phone niya at di ako nilingon.
"Kyrus—"
"Ate, wala akong problema sa kung sino at ano ang kasarian ng makakatuluyan mo. Ang sa akin lang ingatan mo naman ang sarili mo! Wag puro kapakanan ng iba ang unahin mo!" sigaw niya na ikinagulat ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/361273337-288-k138062.jpg)
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...