22

43 2 0
                                    

"Are you stupid? Hindi ko kaya yan. Count me out."

Aalis na sana siya pero hinila ko pabalik ang braso niya.

"Sandali. Kaya mo yan. Papatong ka sa balikat ko tas itutulak kita pataas and walah! Nakalabas ka na ng university."

"How about you? Paano ka aakyat dyan?"

"Uyyy concern na siya sakin."

"Pinagsasabi mo? Hawak mo kaya ang gamit ko. Baka itakbo mo pa."

Nakakawalang gana talaga tong kausap si Blue. Kinikilig na yung tao, sinisira talaga yung moment.

Inirapan ko na lang siya at pumwesto na.

"Dali na. Put your weight on me."

"Sigurado ka ba dito?" nakapamewang niyang sabi habang paulit-ulit na tumitingin sakin at sa taas ng pader.

"Wala ka bang tiwala sakin?"

"Oo, wala talaga."

"Bahala ka na nga. Ikaw na nga tong tinutulongan—"

Aalis na sana ako. Nakakainis kasi ang dami pang arte. Naku kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko sayo, Blue.

"Okay, fine. Ito na gagawin ko na."

I've composed myself at inalalayan si Blue na makaakyat.

"Wow! I did it!"

He's smiling at tuwang-tuwa siya sa nagawa niya at tinaas niya pa talaga ang dalawang kamay niya.

"Gwapo mo lalo pag ngumingiti."

Mabilis na nawala ang ngiti niya at binaba niya ang dalawang kamay niya.

"Akin na yung gamit."

Ngumiti ako at maingat na hinagis sa kanya ang bag niya at bag ko.

"Kaya mo na bang bumaba?" tanong ko.

"Of course, I can."

Katulad ng nakagawian ko. Bumwelo muna ako sa malayo saka tumalon ng mataas. Tinapak ko ang isang paa ko sa pader at mahigpit na humawak sa itaas nito. I pushed myself upwards at mabilis na tumalon palabas.

Blue borely looked at me.

"Bakit pa ba ako magugulat? Tatlong lalaki nga kinaya mong itumba, ganyang pader pa kaya di mo maakyat. Oh bag mo."

Di ko pa nga nahawakan ang bag ko ay binitawan niya na ito kaya nataranta akong saluin ito.

"Hindi mo na ako kailangang samahan, magkanya-kanya na tayo." usal niya.

"Pero, Blue. Ayaw mo bang magdate tayo? Hello? Sulitin kaya natin—"

"Sa iba mo na lang gawin yan. Here's your cap."

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon