57

52 3 0
                                    

Chapter 57

Buti na lang kamo at hindi siya nagpalda ngayong araw. Mas madali sa kanya ang pagsipa at suntok lalo na't komportable siya sa suot niya.

Panay ang iwas ni Friz sa mga suntok nito. Bakit tila lumakas ito? Hindi niya lubos akalaing magtatagal ang pakikipaglaban niya rito. Dahil panandalian siyang nadistract, she received one hard blow sa mukha. Napaupo agad siya sa lupa.

Gusto nang lumabas ni Blue. Wala siyang paki kung hindi niya kayang makipaglaban ang mahalaga ay mailigtas niya si Friz mula sa mga lalaking ito. Pero hinigpitan lang lalo ni Kyrus ang pagkakahawak sa braso niya at umiiling ito.

"Wag. Mas lalo siyang madidistract pag may makikita siyang taong maaring madamay sa laban."

"Wala akong pake! That b*stard punched Friz straight in her face! I know she's strong physically but she's still a girl! Wala silang karapatang manakit ng kung sino!"

Winaksi ni Blue ang kamay ni Kyrus at nagpupuyos sa galit na nilapitan si Friz.

"Sandali—"

Wala nang magawa si Kyrus nang tuluyan na itong makalapit kay Friz at hinarang ang sarili niya sa gitna.

"Blue! Anong ginagawa mo dito?! Umalis ka na delikado—"

"Delikado?! Inisip mo ba yan bago mo sinakripisyo ang sarili mo sa walang kwentang lalaking to!"

Natawa naman ang lalaki sa harapan niya.

"Nakakatawa kayong dalawa. Sabagay mas ayos to. Dalawang taong itutumba." humalakhak pa ito kahit mas napurohan siya sa laban nila ni Friz.

Sumugod ang lalaki kay Blue. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Wala siyang alam sa pakikipaglaban. Pero hindi niya inisip na mabubugbog siya ulit. Mas inisip niya ang kapakanan ni Friz.

Sinuntok siya sa mukha ng lalaki at agad siyang napadapa.

"Blue! Hayop ka talaga!" sigaw ni Friz sa lalaki at agad na nilapitan si Blue.

"Blue, ayos ka lang ba? Ba't ka pa kasi lumapit dito? Ang tanga mo talaga!" ani ni Friz.

Sisipain na sana ng lalaki sa likod si Friz pero agad siyang patalikod na niyakap ni Blue kaya siya ang tinamaan. Blue spitted out some blood.

Making that Gay fall for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon