Chapter 58
"Friz... takbo na..." nahihirapang bigkas nito at yakap pa rin si Friz.
"Blue..."
Garalgal na ang boses ni Friz at sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha niya.
Dito na mas lalong tumindi ang galit ni Friz sa lalaki. Agad siyang humiwalay sa pagkakayakap ni Blue sa kanya at tumayo siya. Lumapit siya sa lalaki at agad itong ginawaran ng malakas na sipa sa tiyan. Susuntukin pa sana siya ulit pero agad niya itong inunahan. This time, wala ng panyong nakabalot sa kamay niya. Nanginginig siya sa galit at hindi niya alam kung anong magagawa niya rito.
Napadapa agad sa sahig ang lalaki at umuubo ng dugo. Agad siyang nilapitan ni Friz at walang tigil na pinagsusuntok sa mukha.
"I let you escape last time, right? Sana naglaho ka na lang na parang bula at hindi na kailanman nagpakita sakin."
"Friz!" sigaw ni Carlyn.
"Tigil! Walang kikilos ng masama!"
Agad na nagsilapitan ang mga pulis sa gawi nina Friz at ng lalaki.
"Friz... tama na..." mahinang boses ni Blue.
Patakbong lumapit si Kyrus at hinila si Friz palayo sa lalaki.
"Bitawan mo ako!" pilit nitong inaalis ang pagkakahawak ni Kyrus sa dalawang balikat niya.
"Ate, tama na! Wala akong kapatid na mamatay tao! Get a grip of yourself!"
That snap Friz out from her raging anger. Unti-unti niyang binaba ang kamao niya hanggang sa tuluyan siyang kumalma.
Lumapit rin sa kanya si Carlyn at mangiyak-ngiyak na niyakap siya.
"Friz, you can't do that..."
"Sorry... I'm sorry... di ko.. I didn't meant to—"
"Shushhh it's okay, Friz. Andito lang ako. Andito kami." hinahagod ni Carlyn ang likod ni Friz.
Tuluyan ng dinakip ng kapulisan ang dalawang lalaking napurohan pero ang lider nila ay agad na sinugod sa hospital sa tindi ng mga sugat at pagdurugo na natamo nito.
Napalingon si Friz sa pwesto ni Blue kanina pero wala na ito dito. Humiwalay agad si Friz sa pagkakayakap kay Carlyn.
"Nasan si Blue?" nag-aalalang tanong nito.
"Kasama siya sa dinala sa hospital, ate. He lost consciousness." Kyrus said.
"Ano?!"
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...