If this isn't how things are supposed to work, then I'll cut open a new path for us to take so we could defy everything that stands in our way... -- Florence Joyce
xxxxxx
[Relaina]
LUMIPAS ang mga araw pagkatapos ng insidenteng iyon. Lumipas iyon na para bang hindi na nag-function nang tama ang lahat sa paligid ko after that. In other words, naging mahirap and at the same time, monotonous din ang naging takbo ng buhay ko. Not to mention, my left arm was still suffering big time.
Umpisa na naman ng klase para sa linggong iyon. Pero sa totoo lang, parang kinakaladkad ko na lang ang sarili ko sa pagpunta sa school. Ewan. Parang bigla akong nawalan ng ganang pumasok. But then kailangan ko na lang pilitin ang sarili ko.
I had to.
Kaya heto, kahit masakit pa rin ang braso ko ay pumasok pa rin ako. At saka kaliwang braso ko lang naman ang napuntirya. Remember, I was born right-handed. So kahit papaano, masasabi kong okay pa rin ako. Makakapag-function pa rin kahit papaano.
Wala pang katao-tao sa classroom nang marating ko iyon. Pero ano ba'ng inaasahan ko? Eh ang aga ko kayang umalis sa bahay kanina. Hindi ko muna binuksan ang ilaw sa loob ng classroom. I thought I would rather cherish the darkness for now.
Baka sa ganoong paraan man lang, magawa kong maintindihan ang kadilimang may lampas isang taon na ring bumabalot sa pagkatao ni Brent. As soon as I seated, sumandal ako sa backrest ng kinauupuan ko. I also closed my eyes. Kaya naman talagang feel na feel ko ang dilim.
Only silence greeted me. Pero sa gitna ng katahimikang iyon, unti-unting nagbalik sa isipan ko ang mga pangyayari noong araw na personal kong makita ang vengeful side ni Brent. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan na nangyari ang mga iyon. But the pain searing on my left arm once in a while became proof that what I had witnessed was nothing more than the sorrowful truth...
That time, after Brent said "I'm sorry" while embracing my stomach as he was kneeling, hindi talaga ako nakakilos. From those words alone, I knew that he was still in so much pain caused by his guilt over his friend's untimely death. Ang tanging nagawa ko na lang ay haplusin ang buhok nito habang patuloy ito sa pag-iyak habang nagso-sorry. It was the least I could do, though I knew more than anything else that it would never be enough.
Para itong nawawalang bata na ang tanging nagawa upang mahanap ang magulang ay ang umiyak. This was Brent's side that all this time, I thought, that only his family had seen – most likely his mother. Pero ang sakit ng kaloobang pinagdaraanan nito sa paglipas ng panahon, may palagay ako na iilan lang ang nakakahula pero walang sinuman ang talagang nakakita.
That is, until that fateful day...
After our moment, sobrang bilis na lang para sa akin ang mga sumunod na nangyari. Nagsidatingan ang iilang mga tao. Obviously ay mga agents iyon na sumugod sa abandonadong building na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, si Vivian ang nag-imporma n'on sa sinumang puwedeng magpasa ng mensahe sa ama ni Brent na sa pagkakaalam ko ay isang private detective. Nang mga sandaling iyon, kalmado na si Brent pero hindi pa rin ako pinapakawalan. Kailangan ko pa itong kuyugin para lang sumama sa ama nito. After a while, dinala na sa ospital ang mga sugatan.
Nakita ko namang nag-aabang sa labas ng building si Mayu. Ang tindi pa nga ng iyak nito pagkakita sa akin, eh. Akala raw nito, napahamak na ako. But I just smiled. Ayoko nang mag-alala pa ang pinsan ko.
Pupunta sana ako sa ospital para malaman ang kalagayan ni Brent. But I willed myself not to. May palagay din naman ako na hindi ako haharapin ng lalaking iyon after his outburst. Napatunayan ko iyon sa nakalipas na apat na araw.
Huli na nang mapansin kong nagkaroon ng malaking pasa sa braso kong hinampasan ni Brent ng tubo. Nakauwi na ako noon at nagmumuni-muni na lang sa silid ko. Sa sobrang sakit nga, hindi ko na maikilos nang maayos ang kaliwang kamay ko. Sinikap kong huwag ipahalata iyon sa kahit kanino, lalo na sa mga magulang ko.
And so, I ended up wearing long-sleeved tops more often than usual. Of course, hindi iyon nakaligtas sa interrogation ng parents ko. Kahit idinahilan kong bigla na lang akong nakakaramdam ng panlalamig sa katawan – 'yong parang panlalamig na nararamdaman kapag nilalagnat – kaya ko isinusuot ang mga iyon, nalaman pa rin ng mga ito ang totoo. No thanks to Neilson na nagkataong naroon sa bahay namin at binibisita ang pinsan ko.
But he found it out by accident.
Naroon kasi ako sa kuwarto, and given the fact na hindi naka-switch ang aircon doon, I decided to remove my long-sleeved top and replaced it with a loose shirt. But as soon as I finished doing that, biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Neilson na nagkataong inutusan ni Mayu na tawagin ako para mag-lunch. As soon as he called my attention to have lunch, napatingin ito sa kaliwang braso ko. Napansin ko ang pagkagulat at pagngiwi nito pagkakita sa malaking pasang tinamo ng braso ko. I laughed – albeit I did so in my mind – dahil parang ito pa yata ang mas nasasaktan para sa akin.
Tinanong akl nito kung saan ko raw nakuha ang pasang iyon. I admitted, at least in my mind, that I hesitated to tell him the truth. Pero nang makapag-isip naman na ako, saka naman umentra ang parents ko. Natural, muntikan nang maghisterikal ang mama ko at katakot-takot na interogasyon ang isinalubong ng papa ko. It was then that I decided to just tweak the truth.
I told them na nagdesisyon akong tumulong kina Neilson na hanapin si Brent. I even asked a friend about the possible locations until I figured out the place where I knew Brent could possibly be at the time. At that point, it was the truth. Pero nang sinabi ko sa mga ito ang cause ng injury ko, I told them that I ended up falling to a rusty metal tube while looking for Brent. I told them that it was purely an accident because I was worried for him.
Kumbinsido naman ang mga magulang ko sa dahilang iyon. But Neilson wasn't. Nahalata ko iyon sa tinging ibinigay nito sa akin. I just gave him a look that said, "It's better this way." Sa tingin ko naman, naintindihan nito ang ibig kong sabihin.
Hindi pa rin pumasok si Brent after that incident. Si Neilson lang ang nakikita ko pero hindi na ako nagtatanong ng anumang updates kahit kating-kati na akong gawin iyon. Nagdarasal na lang ako na sana malampasan ni Brent ang setback nitong iyon. And to finally allow him to find peace within himself.
Iyon lang ang pinakamalaking hiling ko para sa lalaking iyon sa mga sandaling iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/374065307-288-k344842.jpg)
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...