The gestures you do might mean little to others, yet they hold so much meaning to me... ― Florence Joyce
xxxxxx
[Relaina]
Mabilis na lumipas ang mahigit dalawang linggo para sa akin. Well, kaya lang naman siguro naging mabilis iyon sa akin kasi iyon ang hinihiling kong mangyari. Pa'no ba naman kasi? Walang araw na hindi sinira ng kamoteng Allen na iyon ang araw ko.
My gosh! That's a totally torturous 2 weeks for me na lumipas sa buhay ko. Nakakainis! Kung puwede lang talagang magwala.
Pero sa ngayon kasi, hindi ko naman magawa iyon kahit gustung-gusto ko nang gawin. Ewan ko ba. Iba kasi ang araw na iyon, eh. Nakakawalang-gana... as in, sobra! Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga kamalasan sa buhay ko.
Napakamot na lang ako ng ulo ko. Ano ba naman 'tong nangyayari sa akin? Mukhang masisiraan na naman ako ng bait nang wala sa oras nito, eh.
"High blood ka na naman."
Napaangat na lang ako ng tingin sa nagsalitang iyon mula sa binabasa kong nobela. Pero kahit yata ang pag-concentrate sa binabasa ko, hindi ko pa magawa.
Sobrang gulo na kasi ng takbo ng utak ko. Kalat-kalat na nga. Mahihirapan na naman yata akong ayusin iyon bago ako matulog mamaya.
Nakita ko si Neilson na nakangiting palapit sa kinauupuan ko. She could see Brent's face on him (well, almost) but I immediately knew it wasn't him. Weird ba ng assessment ko? Fraternal twins sina Brent at Neilson, 'di ba? So dapat, walang pagkakamukha. Actually, hindi ganoon ang nangyari. Mukhang tama nga yata ang sinabi ng isipan ko noong unang beses kong komprontahin si Brent.
I would have a unique way to distinguish Brent from Neilson kapag makikita ko ang magkambal na iyon. Kahit na fraternal twins sila.
And right at that moment, my heart wasn't beating that fast. Which means... si Neilson ang nakikita ko. O 'di ba? Walang hassle sa pag-distinguish. Nakakapraning nga lang.
Hay... Ano ba naman 'to?
"Kailan ba ako hindi na-high blood magmula nang mag-transfer ako rito?"
Halakhak ni Neilson ang sumunod kong narinig. "Iyong kakambal ko na naman ba ang dahilan?"
"Sino pa ba? Eh siya lang naman ang nakakairitang nilalang sa buong university na walang kapagurang sinisira ang araw ko. Hindi na ako magtataka kung tamaan ako ng hypertension ng mas maaga dahil sa kanya." At muli ay napa-"Grr!" na lang ako.
Isang malalim na buntong-hininga ang kasunod niyon. Hanggang sa bigla akong napaisip at hinarap si Neilson. "Speaking of which, ano'ng ginagawa mo rito? At paano mo nalamang nandito ako?"
As far as I knew, wala akong ibang pinagsabihan kung nasaan ako nang mga sandaling iyon. Kahit kay Mayu, although alam kong sigurado naman na ang pinsan kong iyon kung nasaan ako. Naroon ako sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng Liberal Arts building. Tatlong building din ang pagitan noon at ng CEA building.
Mabuti na 'yong nandoon ako dahil ayokong maistorbo sa pagbabasa ko. Pero kahit pala ilang building pa ang layo ko, hindi ko pa rin pala mapipigilan ang utak ko sa kaiisip ng anything related sa CEA. Lalo na 'yong buwisit na Kamoteng Brent na iyon.
Hay... Grabeng kabuwisitan talaga 'to! Hassle sa utak. Pamatay!
Tila noon lang naaalala ni Neilson ang pakay nito sa akin kung ibabase na rin sa 'light bulb moment' na expression nito sa mukha na napansin ko. Agad itong yumukod sa harap ko at may kinuha sa bag nito.
Kunot-noo ko lang itong tinitingnan dahil hindi ko naman talaga alam ang pakay nito sa akin para lang puntahan ako sa lugar na iyon. Hanggang sa makita kong may inilabas itong isang white rectangular box.
![](https://img.wattpad.com/cover/374065307-288-k344842.jpg)
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romansa【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...