Message Within

2 1 0
                                    

I didn't think that a person so strange, with different thoughts and values, would become a person I want to understand... -- Anata Ni Koishite (In Love With You), Fujita Maiko

xxxxxx

[Relaina]

DUMIRETSO ako sa rooftop. Alam kong tahimik doon at isa pa, gusto kong pagmasdan ang dagat habang pinapakinggan ko ang message whatever na iyon sa IPod. Madali akong nakakita ng corner na puwede kong pagpuwestuhan.

As soon as I reached the place and faced the ocean, I knew I was ready to listen to that. Huminga ako nang malalim para lang magawa kong pakalmahin ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Pero sabi ko nga sa sarili ko noon pa, dapat talaga ay masanay na ako sa ganitong reaksyon ng puso ko.

Lagi namang ganoon ang nangyayari, eh. Basta si Kamoteng Brent ang usapan.

I placed the purple box on my lap. Soon after, pinakinggan ko na ang nag-iisang MP3 file na naroon sa IPod na iyon.

"I don't know if I should do this. But I really need to tell you this. Gusto ko lang matanggal ang paghihirap ng kalooban ko, lalong-lalo na ng puso ko. I hope you'll listen to this, Laine..."

Napapikit na lang ako habang napapailing. Saksakan lang talaga ng kulit ang lalaking 'to. Sinabi ko nang huwag na akong tatawaging "Laine", eh.

But as if I could berate him for that at the moment. Saka na lang. Kapag nakita ko na ito ulit.

Kasunod ng mensaheng iyon ay pumailanlang ang isang kanta. I frowned because I felt that the song was actually familiar.

At hindi nga ako nagkamali, lalo na nang marinig kong si Brent pala ang kumakanta.

[Now playing "I'm Sorry" by Jamie Rivera]

**I can see it in your eyes

There's a certain sadness

Was it me who made you cry?

Oh, please won't you tell me why**

Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman. Was this Brent's version of harana? Gamit ang IPod?

I would've laughed but I didn't. I couldn't, because I'd felt something in his voice – in his tone – as he sang the song.

**Was it something that I've said

Or maybe how I reacted?

Please don't make it hard for me

'Coz I'm willing to say I'm sorry**

It was sincere... and also heart-wrenching. Para bang gusto ko nang mapaiyak nang tuluyan. Brent was apologizing to me. I could feel it through the song that it was true.

"Hindi ko na lang kakantahin ang chorus. Baka sapakin mo pa ako kapag itinuloy ko pa ang pagkanta sa chorus. I'll only focus on singing the stanzas kaya huwag ka nang magtaka. Okay? Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin sa iyo ito nang personal, eh. Ang hirap, kung alam mo lang..."

The music continued but the message stopped. It looked like Brent was about to sing the next stanza. Saka ko na lang ulit pagtutuunan ng pansin ang kasalukuyang nararamdaman ko. Kapag tapos na ang kanta at ang kasunod na mensahe.

**I can tell it when you smile

I know you're hurting inside

Will you ever forgive me

If I tell you that I'm sorry?**

Would I?

Honestly, hindi ko alam. At saka, ano ba ang hinihingi nito ng tawad sa akin? 'Yong pagpalo nito sa akin?

Grabe... He was apologizing for something like that? It was my fault, as well. Umiral lang naman kasi ang recklessness ko, eh. Not to mention pati na rin ang katigasan ng ulo.

But... it really looked like he was in pain for what he did to me. The song and the way he spoke of those messages proved it.

"Laine... I know you think of me as a monster now. At least, I think of myself that way now that you've seen me doing all that. Walang araw pagkatapos n'on na hindi ko inisip na tuluyan mo na akong lalayuan pagkatapos ng nasaksihan mo at nagawa ko sa iyo. Torture 'yon sa akin, alam mo ba 'yon? Ang sakit sa dibdib. Pero kung talagang maisipan mo nang layuan ako, sana bigyan mo ako ng chance na makausap ka ng masinsinan kahit sa huling pagkakataon. Magkita tayo today, February 21, 3 PM sa Promise Tree. May shortcut malapit sa cove na madalas mong pagtambayan. Doon ka dumaan para hindi ka na makita pa ng guwardiya. Sana... sana pagbigyan mo ang pakiusap ko, Laine. Para na rin siguro sa ikatatahimik ko."

Doon nagtapos ang mensahe. Pero ang puso ko, heto at hindi pa rin matapos-tapos sa pagkabog na parang tinatambol. Kulang ang sabihing speechless ako sa mga narinig ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Mixed feelings, kumbaga. Natutuwa ako kasi todo effort ang kamoteng ito sa pagpapahayag ng nararamdaman nito tungkol sa mga nangyari. Naaawa rin ako dahil ramdam ko sa tinig nito at sa paraan nito ng pagkanta na talagang nasasaktan ito sa ginawa nitong pananakit sa akin. It was a one-off event, but the pain was too much that he was beating himself up because of it. At naiiyak na rin dahil... dama ko na sincere talaga ito sa pag-a-apologize sa akin. He carefully picked the song to help him convey his message to me.

Now I asked myself.

Hindi pa ba sapat iyon para patawarin ko ito? Though I had to say, ang tanging kasalanan lang naman nito sa akin ay ang hindi nito pagbitaw sa galit nito. Ang dami na nitong nasaktan at pinahirapan. It was about time for this to stop.

Huminga na lang ako nang malalim para lang paluwagin ang para bang nagsisikip kong dibdib dahil sa samu't-saring emosyon. Grabe! Mabuti na lang talaga at tanging si Mayu ang nakakaalam kung gaano ako kaemosyonal na nilalang.

After that, I focused my attention on the rectangular box on her lap. I smiled when she saw the color. Purple. Kakulay rin kaya niyon ang bulaklak na tiyak na nasa loob ng box na iyon?

Nang sa gayon ay hindi na ako nanghuhula pa, nagdesisyon na akong buksan ang box. But I felt as if my heart skipped a few beats nang makita ko na rin sa wakas ang nilalaman ng box na hawak ko.

Huli na nang maramdaman kong tumulo na pala ang kanina ko pa pinipigilang mga luha ko. This guy truly knew how to play with my emotions, huh? He was seriously turning this into a roller coaster, in case he didn't know that. But then I guessed he would never know.

Brent gave me another flower. This time, it was a purple hyacinth.

One that held the meanings "I'm sorry"... and "Please forgive me".

Not only the song and the message, but this flower also made me realize kung gaano ka-sincere si Brent sa paghingi ng tawad sa akin. Siguro naman, sapat na ito para pagbigyan ko ang hiling sa akin ng lalaking iyon.

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at tinanaw ko ang dagat. The morning breeze coming from the sea totally felt refreshing. At sa pagpikit ko ng mga mata ko para maramdaman nang husto ang hangin, iisang mukha lang ang lumitaw doon.

At sa desisyong napili ko, sana lang ay tama iyon at hindi ko dapat pagsisihan sa darating na mga araw sa buhay ko.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon