I've been taking a roundabout way all this time. But I've realized that the answer has always been right by my side... ~ Love Is...; Tiara ft. KG
xxxxxx
[Brent]
Natigil ang pagbabalik-tanaw ko sa bahaging iyon. Wala naman na kasing ibang kasunod na nangyari pagkatapos n'on. To cut the story short, wala akong naisip sabihin para pasubalian nang husto ang sinabing iyon ni Neilson.
Pero pati yata ang utak ko, nag-short circuit matapos ipamukha sa akin ni Neilson ang sinabi nitong iyon. Sa totoo lang, minsan lang mangyari iyon sa akin.
Hanggang ngayon talaga, hindi ko alam at lalong hindi ko masabi rito lalo na sa sarili ko na iyon na nga talaga ang sagot. Then again, I wasn't foolish enough na aminin sa kakambal ko ang isang bagay na gusto kong kay Relaina ko muna sabihin.
Naputol lang ang pag-iisip kong iyon nang mag-focus na sa pakikinig sa paligid ko ang tainga ko. At sa pakikinig kong iyon, sa 'di ko malamang dahilan ay nagsimulang dumagundong ang puso ko. Hindi naman ako dapat masorpresa pa pero iba ito, eh.
May dahilan kung bakit ako kinakabahan nang ganito. Paghigpit ng hawak ko sa queue number sa kamay ko, dahan-dahan kong nilingon ang pintuan kung saan naroon ang source ng mala-bubuyog na pinagbubulungan ng mga PE II classmates ko.
"Siya ba talaga iyon?"
"Grabe! Ang ganda niya."
"Hanep! Ibang-iba ang itsura niya."
"Muntik ko na nga siyang hindi makilala, eh."
"Well, pinaghandaan niya, eh. Ikaw ba naman ang maka-partner ni Papa Brent para sa dance practicum na ito."
"Hay... Sana ako na lang talaga ang partner ni Papa Brent."
"Good luck sa iyo kung hindi kayo bumagsak sa exam kapag ikaw ang naging partner niya."
Wala sa mga iyon ang buong atensiyon ko kahit dinig na dinig ko na ang mga salitang iyon. My focus was literally glued to the entrance of the auditorium as the people around me continued chattering and whispering.
At ako, heto... Tuluyan na yatang naumid dahil sa nakita ko. I could be staring at a fairy tale-like setting at the moment kahit na may ka-corny-han ang isiping iyon.
Was this for real? Si Relaina ba talaga ang nakikita ko sa mga sandaling iyon na pababa ng hagdanan mula sa entrance? Ito ba talaga ang Relaina na lagi kong nakikita't inaasar na amazona?
Heck! She doesn't even looked like an amazon girl at all. If I had to be honest, she looked a lot like an elegant princess with the way she was carrying her dress... or gown, I should say. It seemed she really had prepared for this day, huh? Even though she was always showing how irritating it was for her to wear such things.
She was wearing a baby blue gown made from soft materials that flowed and emphasized her body well. Wow... I guessed that was all I could say to myself right at that moment as I looked at her more and watched her descend from those steps. Hindi ko akalaing makikita ko ang babaeng ito na ganoon ang suot at ililitaw ang anumang kaseksihang nagtatago sa ilalim ng mga cardigan na lagi nitong suot.
At ilang sandali na lang, magagawa kong –
"Uy, 'tol! Huwag kang masyadong matulala riyan at talagang mahahalata na ng madla ang pagkagusto ko sa kanya."
Naniningkit ang mga matang hinarap ko si Neilson na siyang nagsabi n'on sa akin nang pabulong. Sisirain lang talaga nito ang mood ko, eh. Ni hindi ko nga ito pinapansin sa mga advances nito kay Mayu, eh. Samantalang ako, lagi nitong pinupuna.
Hay! Ang sarap lang talaga nitong upakan, sa totoo lang. Kausapin ko nga minsan si Mayu at ito na lang ang pakikiusapan kong manapak sa kakambal ko.
"Wala ka lang talagang magawa sa buhay mo, 'no? Doon ka na nga! Istorbo ka lang palagi," pagtataboy ko kay Neilson na nakakaasar lang talaga.
Pero ang buwisit, nagawa pang matawa. Sino naman kaya ang hindi maiinis sa ganitong klaseng gawain, 'no?
Huli na nang mapansin kong tuluyan na palang nakababa ng hagdanan si Relaina. As she stood there just a few feet in front of me, hindi ko tuloy mapigilang punahin na para ba... tensed ito. But I guessed it was an understandable action, considering the fact na tinuturing naming lahat na "dreaded day" namin ang dance practicum na iyon.
Exam day din naman kasi kaya heto kami.
Kaya lang, may pakiramdam ako na... may iba pa yatang dahilan kung bakit ito ganito. I didn't know but that was how I felt it.
"You look... different today." Grabe! Ano ba namang klaseng socializing skills meron ako ngayon? Argh!
Well, despite feeling tense – not to mention stupid, napangiti ko naman si Relaina. It was actually a shy smile – one that I could rarely see from her.
Kapag ganito ang nakikita ko, kadalasan ay napapabanat ako kaagad ng mapang-asar na compliment. Wait... Meron bang ganoon?
And then she would burst her irritation out on me.
But it was different this time. Hindi ko makuhang gumawa ng kahit na anong kalokohan pagdating sa babaeng ito. Lalo na sa mga sandaling ito.
Magkasalikop ang mga palad nito. I didn't know if it was on impulse, but I found myself holding them to calm her down.
"Ngayong araw lang ito kaya walang dahilan para kabahan ka nang ganito."
A sad smile soon formed on her lips. Napakunot ako ng noo nang makita ko iyon.
"Yes, I know. Kaya nga ako kinakabahan, eh. Hindi naman madalas mangyari 'to, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Pero, don't worry. Sabi mo nga, ngayon lang ito. At isa pa..."
Pero kahit mag-pause effect pa si Relaina, alam ko na ang gusto nitong tukuyin. Please, don't say it... Ayokong marinig ang gusto mong sabihin na katuloy ng mga salita mo.
"...huling araw na ito. Back to normal naman na siguro ang buhay natin pagkatapos nito, 'di ba? Kaya... konting tiis na lang. Matatapos na rin ito."
Damn it! How could this girl be so cruel? Would everything that had happened between us really return to normal?
Just like that?
Bakit... ang dali lang para rito na sabihin iyon?
![](https://img.wattpad.com/cover/374065307-288-k344842.jpg)
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...