Today, stand next to me so I can't forget you... — Don't Go Today, EXO Chanyeol
xxxxxx
[Relaina]
"So ano ang pag-uusapan natin?" agad na tanong sa akin ni Brent nang marating namin ang puno ng mangga na may kalayuan sa CEA department.
In other words, ang paboritong tambayan ko. At... ang lugar kung ako hinalikan ni Brent for the second time noong gabi ng Christmas Ball.
Of all places naman, bakit dito ako naisipang dalhin ng lalaking ito? "Nang-aasar ka lang talaga, 'no?"
"Laine, this is the only place I know na hindi tayo masusundan ng mga babaeng gusto ka nang sugurin kanina nang hilain ko ang kamay mo para makaalis tayo roon."
Kunsabagay, may punto naman ito. Medyo secluded nga ang lugar na ito sa madla. Kaya hindi na ako magtataka kung malaman kong may mga kababalaghan o kabulastugan nang nangyari sa lugar na ito.
"Hindi mo naman ako kailangang hilain hanggang dito, 'no? Ang layo na nito sa main building, eh," sabi ko na lang at pasimple kong hinila ang kamay kong hanggang sa mga sandaling iyon ay hawak pa rin pala nito.
Mukhang nakuha naman ni Brent ang gusto kong mangyari. Kaya naman binitawan na nito ang kamay ko.
"Mas okay na 'to. At saka... alam kong mas magiging komportable ka rito. Mas okay sana sa rooftop, pero sarado iyon ngayon, eh. Kaya dito na lang tayo."
The genial smile on his face disappeared and was replaced with a serious one. And I would be taking that as my cue. Huminga ako ng malalim bago ko hinarap si Brent.
"I'll be changing my course this semester."
Okay. I knew it was straight to the point. Pero mas okay na iyon para sa akin. Baka umabot kasi ako sa puntong wala nang lumabas na salita sa bibig ko dahil sa pag-aalangan ko. Hindi ko pa rin alam hanggang sa mga sandaling iyon kung bakit kailangan kong makaramdam ng pag-aalinlangan sa isang bagay na ako naman ang nagdesisyon.
Kumunot ang noo ni Brent makalipas ang ilang sandali. Mukhang hindi yata nag-register kaagad sa utak nito ang sinabi ko, ah. Pero matiyaga ko itong hinintay na magsalita.
"T-teka... bakit biglaan yata? Kailan mo pa naisip magpalit ng course? Alam ba 'to ng mga magulang mo?" sunud-sunod na tanong nito.
Hindi ko tuloy napigilang matawa. Mukhang hindi ko yata inasahan ang pagtatanong nitong iyon, ah. And here I thought I had every reason to feel nervous about telling him my plans. "Dahan-dahan sa pagtatanong. From what I know, we still have time. Masasagot ko rin ang mga iyan."
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'yan?"
Bakit nga ba? Pero alangan namang sabihin kong wala akong planong ipaalam iyon dito? Na hindi ko naman talaga ikinonsidera kahit na kailan na sabihin dito ang tungkol sa mga plano ko sa buhay.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...