One more tear that falls because of this feeling only reminds me of the bigger reason why I want to stay with you… — Florence Joyce
xxxxxx
[Brent]
Alam kong wala ako sa sarili ko the whole time. Kaya parang dumaan lang ang lahat sa paligid ko mula nang marinig ko ang balita kay Carl at ang pagmamadali kong magpunta sa ospital. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa iyon na walang nababanggang kung sino sa daan. O baka naman kahit papaano ay nasa huwisyo pa ako para magawa ko pa rin kung ano ang tama.
Agad akong dumiretso sa emergency dahil iyon ang sinabi sa akin ni Carl noong huling beses ko itong kinausap. Pero wala akong makitang Carl o Relaina roon. Which only meant one thing.
“Brent!”
Napalingon ako sa pinagmulan ng tawag na iyon. Hindi ko na pinuna kung bakit naroon na kaagad si Neilson. Saka ko na pagtutuunan ng pansin iyon. Agad kong nilapitan ang kakambal ko. Wala pa ring tigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko.
“Ano’ng nangyari? Nasaan na si Relaina?” agad kong tanong dito.
“Dinala na siya sa operating room pagdating namin ni Mayu rito. Si Andz rin lang ang nagbalita sa amin dahil nagkataong malapit lang siya sa pinangyarihan ng aksidente,” paliwanag ni Neilson.
“Aksidente? Ang pagkakasabi sa akin ni Andz, binangga si Laine kahit nasa sidewalk na siya naglalakad. Ibig sabihin lang n’on, si Laine talaga ang sadya nila!”
Hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa pag-aalala sa lagay ni Relaina at sa matinding galit sa sinumang may gawa nito rito. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nanginginig pa rin ako dahil hindi ko mapigilan ang pagsugod ng samu’t-saring emosyon sa dibdib ko. Then again, ayoko talagang pigilan iyon dahil lahat ng nararamdaman ko ng mga sandaling iyon ay para kay Relaina.
It was a good thing na hinahayaan lang akong magwala ni Neilson dito. Pero kailangan ko pa ring pigilan ang sarili ko na huwag magwala dahil nasa ospital kami ng mga sandaling iyon.
“Nasa operating room na ‘ka mo si Laine? Sino ang nakabantay sa labas? Sino ang in charge sa operasyon niya?” sunud-sunod na tanong ko kay Neilson nang mahimasmasan na ako.
“Sina Mayu at Andz ang nasa labas ng operating room at naghihintay ng resulta. Si Mama naman ang nag-volunteer na operahan si Relaina dahil walang ibang doktor na available nang dalhin siya rito.”
Napahilamos na lang ako ng mukha ko pagkarinig ko n’on. ‘Di nagtagal ay hinila na ako ni Neilson patungo sa operating room.
xxxxxx
It felt like I waited forever na matapos ang operasyon ni Relaina. But in reality, dalawang oras na ang nakalipas mula nang samahan ko ang mga kapatid ko at si Mayu sa paghihintay na maging maayos na ang lagay ni Relaina at ligtas na ito sa kapahamakan. Habang nagaganap iyon ay inumpisahan ko na ang pagtatanong kay Carl tungkol sa nangyari.
Ayon dito ay mabilis ang lahat. Huli na raw nang mapansin ng mga tao sa paligid na papunta kay Relaina ang sasakyan at babanggain ang dalaga. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na kahit nasa sidewalk na naglalakad si Relaina ay may isang sira-ulo pa talagang bumangga rito?
It was a chaotic event, lalo na nang mag-umpisang dumugo ang sugat na natamo ni Relaina sa ulo. Mabuti na lang at agad na binigyan ni Carl ng first aid ang sugat na iyon bago may nag-volunteer na isugod na sa ospital ang walang malay na dalaga. Sumama na ang bunsong kapatid ko sa pagpunta sa ospital.
Nang tanungin ko ang kapatid ko tungkol sa sasakyang bumangga kay Relaina, hindi na ako nagulat nang malaman kong agad na pinaharurot paalis sa lugar ang sasakyang iyon. Lalo lamang umigting ang galit na nararamdaman ko para sa kung sino man ang may pakana ng nangyari. But the weird thing was that the car had no license plate. Iyon ang isang napuna hindi lang ni Carl kundi pati na rin ng ibang nasa paligid ng pinangyarihan ng insidente ng mga sandaling iyon.
Hindi na ako magtataka kung magiging mahirap para sa mga pulis na imbestigahan ang pangyayari. But I had a feeling that my detective father wouldn’t let this go. Puwede ko rin namang sabihin ang anumang nalalaman ko rito dahil hindi na ako magtataka kung maiisip ng tatay ko na konektado sa akin ang nangyari at posibleng kay Relaina gumaganti ang mga ito.
In a way, it was true. Si Relaina na lang naman ang babaeng talagang masasabi kong iba ang kahulugan ng pagiging malapit sa akin. Unlike that of Mayu and Vivian. Pero kung ito naman ang kahahantungan ng pagiging malapit ko at ang kagustuhan kong maging mas malapit kami ni Relaina, nangangahulugan lang ba na kailangan ko na itong layuan?
The thought alone was more than enough to clench my heart and I didn’t like it at all. I wasn’t some sort of a hero who would choose to let go of something or someone as a means of protecting them. I knew I was a selfish man. May iba akong paraan para protektahan ang mga mahahalaga sa akin. I made that vow when I lost Vanz a long time ago. Wala akong kailangang isakripisyo. Pero kailangan kong gumawa ng paraan para hindi na ito mangyari ulit kay Relaina kahit wala ako sa tabi nito.
Nang tumingin ako sa pinto patungong operating room, tamang-tama naman na namatay na ang ilaw ng signage roon na nagsasabing “Surgery In Progress”. Agad akong napatayo nang bumukas ang pinto at inilabas n’on ang Mama naming magkakapatid na Montreal. Maging si Mayu ay napatayo na rin na agad namang dinaluhan ni Neilson.
“Ma, kumusta na po si Ate Relaina?” It was Carl who asked that question, much to my surprise.
Inunahan pa talaga kaming dalawa ni Mayu sa pagtatanong.
Pero nginitian lang kami ni Mama at saka ito tumango na tumingin kay Carl. “She’s fine. She made it out okay. Salamat sa first aid na ibinigay mo sa kanya at agad naming naagapan ang pagdurugo ng sugat sa ulo niya. Medyo malalim din iyon kaya kailangang tahiin. She did sustain a few broken bones dahil na rin ang pagkakabagsak niya sa kalsada at sa naging pagbangga sa kanya. But we were able to fix that. Sa ngayon, hintayin na lang natin siyang magising at mahabang pahinga rin ang kailangan niya para gumaling nang husto ang mga sugat at internal injuries na natamo niya. Kaya wala na kayong dapat na ipag-alala. Okay?”
Hinarap ako ni Mama pagkatapos n’on. “Lalo ka na. Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo si Relaina. But don’t beat yourself up for this. Okay?”
Tumango na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Soon after, I found my vision blurring.
I was crying before I knew it. At alam ko kung bakit.
I felt relieved.
Relieved to know that Relaina was okay. Happy that she was going to be alright. Relieved to know that she survived the ordeal.
“Thank you so much for saving her, Ma…”
I’d be forever grateful that my mother was the one who saved Relaina’s life.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romansa【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...