kabanata 61

81 7 5
                                        

"k-kapag hindi kayo agad nakabalik, susunod ako ha!"

"No!"
"Hindi!" Halos sabay sabi nila kuya at juan.
Ngayong araw nila papasukin ang kuta ng rebelde. At kanina pa nga ako kinakabahan. Iiwan kami ni flora dito, dahil safe nga kami kung dito lang kami sa bahay.
Si kuya, kambal, juan, kram at yung ama ni Angelina. Sila sila ang aalis ngayon. Nakauwi na si Roberto ganon si florencio, dahil hindi naman sila pweding makita ron for sure mamumukaan sila, ang ama naman ni Angelina ay magsisilbing look out lang dahil hindi rin sya pweding makita don. Yung tomas naman daw ay nandon na at aabangan sila.

"Please bal, wag na wag kayong sumunod. Sandali lang naman kami don."

"Pero kasi...k-kinakabahan ako."

"Mag-iingat kami don mahal, pangako." Si juan

"Tsaka naka abang naman samin si pareng Manuelito, ready daw syang kapag may nangyare samin hindi maganda." Si kram

Huling kita ko kay Manuelito ay noong pang araw na pumunta nga kami ni kram sa bayan. Na ikwento naman namin sa kanila ang pinag-usapan namin ng señor.

Hindi ko naiwasan mag-alala sa kanila, sana lang talaga maging maayos ang gagawin nila.

"Mahal. Pangako ako mismo ang maghihigante sa taong nanakit sa inyo ng ating anak." Bulong nito sakin habang nakayakap.

"Wag na kaya? Dito ka nalang din." Sagot ko sa kanya.

"Ito'y napag-usapan na natin hindi ba."

"Pero kasi.."

"Wag kang mag-alala babalik ako sa iyo, hindi ba't ikakasal pa tayo."

"Pakiusap mag-iingat kayo."

Dumating nga ang gabi at sila lumakad na, kahit planado na ang lahat sinubukan ko parin silang pigilan pero wala talaga tuloy daw ang plano dahil matagal na nilang hinintay to.

Sinabi ko nalang sa kanila kapag apat na oras ay wala pa sila, ay susunud ako kahit ayaw nila. Pero sagot lang nila ay hindi naman daw aabutin ng ganon katagal.

"Flora, kinakabahan ako." Nandito kami sa kwarto sinamahan nya ako ngayon gabi dahil nga aalis sila at ako lang daw mag-isa rito.

"Ako rin naman, ngunit mas maganda hindi nila tayo kasama dahil baka mabulilyaso lang ang plano nila, at maging pabigat lamang tayo sa kanila." Sabagay may point sya.

"Tama ka, hindi ko lang maiwasan mag-alala."

"Ang mabuti pay tayo ay magdasal para sa ikaliligtas nila."

"Hm!" Mabilis ng pag tango ko sa kanya, at ganon nga ang ginawa namin. Ipinagdasal namin na sana makahanap nga sila ibidensya at makauwi ng ligtas.

Ilang minuto palang ang nakakalipas ng makarining kami ng isang katok.
Kaya mabilis kaming nagkatingin ni flora.

"Nariyan na sila?" Agad kaming tumayo ni flora at pumunta sa pintuan pero nag bubuksan ko na sana ay napahinto ako.

"Oh bakit hindi mo buksan?"

"B-baka ibang tao yan. Pag kumakatok sila tinatawag ang pangalan ko." Nakaramdam kasi ako ng takot, kaming dalawa lang ni flora dito, pano kung ibang tao yan.

"S-sino yan?" Sigaw ni flora.

Hindi agad sumagot ang nasa likod ng pintuan, at patuloy lang ang pag katok nito.

"Sino sabi yan!" Ako na ang sumigaw.

"A-ako to luna." Pamilyar sakin ang boses, pero kahit ganon hindi namin binuksan ang pintuan.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon