Hindi ko alam kung paano ako nakauwi, dahil hanggang ngayon ay nasa isip ko parin ang nakita ko na biglang pagkawala nila kuya sa paningin ko, silang apat. Kuya cloud, kambal, kram at si Maria, na dapat ako ang nasa sitwasyon nya ngayon.
Halos kaming tatlo nila juan at marco ay nakatulala lang, wala naman nasaktan samin pero may mga bahid ng dugo ang damit namin.
"T-totoo ba talaga luna?" Tanong sakin ni marco. Tanging pag tango nalang ang nagawa ko.
Nasabi ko kasi ka kanila na bigla nalang nawala sina maria at hinigop nga sila ng liwanag.
"N-ngunit paano si maria?" Tanong nya.
"Hindi ko rin alam." Ang sabi kasi sakin ni lola noon ay ang pagbabalik namin ni kuya cloud sa panahong kasalukuyan ay yon na ang huli, dahil hindi na kaya ni lola na magbukas pa ng isang portal. Ibig sabihin...
Makukulong nako rito habang buhay?
Hindi ko na sila makikita? Si kuya cloud at si kambal hindi ko na makakasama? Tsaka paano si maria? Hindi na ba sya makakabalik rito? At paano ako?
"Asan sila!?" Biglang pasok ni Manuelito dahilan para nawala ang kakaisip ko ng kung ano ano. Muka syang pagod o galit marami rin dugo ang kanyang uniporme. Nakita ko syang nakikipag laban din kanina, at sya rin ang dahilan kung bakit nakauwi nakami dahil sya mismo ang tumulong samin.
"Malubha ba ang lagay ni kidlat?" Wala pa rin sumagot saming tatlo,
"Nakita ko syang natamaan kanina ng bala asan sila?"
"May sasagot ba sakin!?" Halos magulat kaming dalawa ni marco sa sigaw nya, si juan naman ay naka sandal lang at nakapikit.
"K-kuya..w-wala na sila." Halos magsalubong ang kilay ni Manuelito sa sagot ni marco.
"A-anong ibig nyong sabihin? Pinagloloko nyo ba ako?" Madiin sabi nito.
"N-nakita ko sila, y-yung liwanag na bumalot sa kanila tapos..a-ayun nawala silang apat."
"Ha? A-anong liwanag?"
"Y-yung dati..yung liwanag na daan patungo sa panahon namin."
Hindi ito agad naka kibo sa sinabi ko, parang nag-iisip pa kung ano.
Ako rin naman ay nag-iisip dahil paano nangyare yon tsaka hindi naman sa bahay lumabas ang portal. Bakit bigla nalang sumulpot doon?
Posible kayang..dahil kay kambal?
Ngayon ko lang naalala, lumabas din ang portal noong muntik na itong malunod sa talon, at ngayon nga ay nag-aagaw buhay si kambal, at hinugop nya ito at dahil kasama nya sina maria ay nasama nga ito.
"M-maghintay tayo ng isang buwan, makakabalik din sila." Napahilamos ito ng muka na parang stress na rin sa mga problema namin.
"S-sana na makabalik na sila."
Tulad ng ginawa namin ay naghintay kami sa kanila ng isang buwan. Si marco at juan ang lagi kong kasama rito sa bahay. Si Manuelito naman ay masyadong abala sa trabaho nya, dahil narin sa nangyareng gulo noon sa bayan, idagdag pa ang ilang sunod sunod na gulo na nangyayare. Balita ko karamihan sa mga tao ay nagsi alisan na sa bayang ito, dahil na rin siguro sa natatakot sa mga susunod pang pweding mangyare. Hindi naman kami lumalabas sa bahay, si Manuelito nalang ang nagdadala ng mga pagkain namin. At ang tanging mga liham ang pinapadala namin sa mga taong malapit sa aming lahat, si juan para kila ate julia, si marco para sa magulang nya at ako na para kay kuya joselito at mama na hanggang ngayon ay wala na akong balita sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na baka wala na silang balak bumalik dito o balikan ako dahil nga sa kahihiyan na laganap sa buong bayan na ibang lalaki ang nakabuntis ay Teresita ay alam din nila na myembor ito ng rebelde.
"Mahal." Tawag ko kay juan na tahimik rin naka upo sa tabi ko. Sumandal ako sa kanya at inilagay ang ulo ko sa balikat nya.
"Hm?"
BINABASA MO ANG
LUNA
Historical FictionHija,Hindi ka dapat nandito. Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako. Kung hindi dapat ako nandito, e anong gagaw...
