kabanata 65

67 6 0
                                        

"Anong sinisilip mo dyan?" Sabay lagay ng kamay nya sa balikat ko.

"Tingin mo bal, anong pinag-uusapan nila?" Tanong ko sabay turo gamit ang nguso ko sa dalawang taong nag-uusap, si juan at Manuelito.
Pumuntang bayan sina kram at kuya cloud si maria naman at marco ay nasa taas nag lilinis yata ng kwarto.

"Bakit hindi mo tanungin?"

"Wag na."

"Akala mo ba hindi namin napapansin, umiiwas ka kay Manuelito. May feelings ka ba sa kanya?"

"Wala, sya kasi mismo nagsabe sakin na dapat daw ay iwasan ko na sya at ayaw na ayaw nyang tinatawag ko sya sa pangalan nya."

"Talaga bal? kailan?" Tumingin ito sakin na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Noong naglasing kayo, gabing tumabi ka sakin matulog nakita ko sya nasa kusina, tapos ayon. Mukang diring diri nga sakin e kasi tutulungan ko sana syang maglakad kasi nga lasing na pero pinagtabuyan ako, ayun sinabi nya lahat na layuan ko daw sya."

"Huh? Parang imposible naman kasi..." May mga binulong si bal na hindi ko narining kaya tinignan ko sya ng masama.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Wala!" Sabay gulo sa buhok ko. "Ayaw mong lumapit sa kanila? Para malaman mo rin kung anong pinag-uusapan nila."

"Hindi na! Pero sa tingin mo oras na ba para magselos ako?" Tumawa naman sya ng malakas kaya kita kong napasulyap ang dalawa sa banda namin. Nasa tambayan kasi sila kami naman ay sa pintuan lang ng bahay.

"Mas marami pa kasi ang oras si juan kay Manuelito. Tsk Sabihin mo sila nalang ang magsama." Inis na sabi ko kay kambal na lalo la nyang ikinatawa.

Totoo naman kasi, halos maghapon kapag nandito sila lagi silang magkausap. Kapag naman aalis si Manuelito isasama nya si juan. Duh! Bakit hindi nila jowain ang isa't-isa?

"Sige sasabihin ko hahaha!" Matapos nyang guluhin ang buhok ko ay pinuntahan nga nya ang dalawa. May sinabi ito at tumingin naman ang dalawa sa banda ko kaya agad akong pumasok sa bahay. Tumuloy ako sa kwarto at nilock iyon tutal sa kwarto naman nya magpapahinga si maria, yung sa taas na pinaka malaking kwarto, sa kanyan daw kasi talaga yon sabi ni kambal.

Humiga akong nakadapa dahil kanina pa masakit ang puson ko. Hindi ko kasi masabi kay juan o makahingi ng gamot sa kanya dahil nga kausap nya si Manuelito.

"Luna, Kakain na." Rining kong sigaw ni kuya cloud. Nakatulog pala ako.

Ang sakit talaga huhuhu. Eto talaga yung nakakainis sa pagiging babae.

"Luna." Muling tawag ni kuya cloud.

"M-mamaya nako kakain kuya." Sigaw ko.

"Hindi pwedi, Sabay sabay tayo!" Muling katok nya. Kaya kahit hirap ay tumayo na rin ako.

"Hindi ako kakain, mag kakape lang ako." Bungad ko kay kuya cloud pagkabukas ng pintuan.

"Meron kaba?" Tanong nya.

"Wala pero ang sakit ng puson ko." Tumango lang naman ito at gets na nya yun.

"Tantan kape daw." Sigaw ni kuya cloud. "Masakit?" Muling tanong nya. At tumango lang ulit ako sa kanya.

"Kumain ka kahit dalawang subo lang okaya kahit tinapay lang! Then inumin mo to pagkatapos." Lapag ni kuya cloud sa mga gamot sa mesa.
May nakahapag na pagkain sakin pero mas pinili ko ang kape, kanina pa din ako tinatanong ni juan kung ayos lang ako sinabi ko nalang na oo.

"Magpahinga kana sa kwarto mo. Kapag mainit ang pakiramdam mo magsabi ka lang ha."

"Hm! Salamat!" Saad ko tsaka tumayo na para pumuntang kwarto ng hindi na sila tinitignan.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon