"kapag binibini, maari mong ipangalan sa kanya ay joselita kaya naman ay Josie, maari din...hmm! okaya isang ginoo nalamang sana ang iyong anak, para joselito rin ang ngalan, hindi ba't pangalan palang ay makisig na!" Kanina pa sya nag susuggest ng kung ano ano ang pangalan ng anak ko, pero natatawa nalang ako dahil halos mula sa kanya ang mga pangalan binabangit nya.
"Kuya.. kapag nagka-anak ka yan ang ipangalan mo, haha!" Halos mapasimangot naman ito sa sinabi ko na ikatawa ko lang.
Ganon pa rin naman ang sitwasyon naming tatlo, kapag umaalis ang isa ay maiiwan ang isa. At ganon parin sila, inaasikaso nila ako, silang dalawa ni Manuelito, sila na ang gumagawa sa gawaing bahay, tuwing naglalakad ako o lalabas ay laging naka antabay ang isa. Malaki man ang tiyan ko ngunit hindi ako nahirapan dahil sa kanila.
hindi na namin pinag-aawayan ang pasali nila sa mga rebelde, hinahayaan ko nalang sila at ipagbabahala nalang sa panginoon ang aming buhay. Hindi naman kasi talaga natin hawak ang buhay natin, minsan kung sino pa ang gusto natin makasama sa buhay ay yun pa ang unang nawawala, pero sabi nga nila, lahat ng nangyayare sa ating buhay ay may dahilan, may bagyo man, aalis at aalis din yan, sasapit man ang madilim na gabi ay may maliwanag na umaga na darating.
"ayoko, masyadong malayo." Saad ko kay kuya joselito dahil pilit nya akong pinapalakad sa buong isla, at dalawang besis pa daw.
"Ngunit para sa iyo rin naman Luna, ang sabi ni lola Pilicing ay mag lakad ka raw ng maglakad."
"Ngunit dalawang linggo pa bago ako manganak " saad ko, hindi ko kasi maiwasan mainis.
"Nag-aaway nanaman kayo?"
"Si kuya kasi Manuelito, pilit nya akong pinapalakad sa buong isla. Ang sakit kaya sa paa."
"Ngunit luna..itoy kailangan mo."
"Husto ang iyong kapatid, malapit kang magluwal ng sangol, kaya halika sasamahan kita." Tuluyan nalang akong napasimangot dahil wala na rin naman akong nagawa.
Lumakad nga kaming dalawa ni Manuelito, habang naglalakad ay nagmamasid lang kami sa buong paligid.
"Maari tayong magpahinga, kapag nahihirapan ka." Saad pa nito.
"Namumulikat ang mga paa ko." Hinawakan nito ang kamay ko at iginaya sa isang upuang kahoy. Lumuhod ito sa harapan ko at minasahe nga.
"Kumusta na kaya sila?" Tanong ko habang nakatitig sa ginagawa sakin ni Manuelito.
"Huh?"
"Sina kambal, si maria. Kumusta na kaya sila?" Umupo ito sa tabi ko at bumuntong hininga.
"Iyan rin ang tanong na lumilipad sa aking isipan. Maging ang iba, si florencio, at si Marco." Walang umiimik samin dalawa, tanging alon ng dagat ang ingay na bumabalot sa aming hanggang sa may naisip akong dapat na matagal ko ng sinabi sa kanya.
"Salamat." Napaharap ito sakin pero ako sa dagat parin ang tingin ko.
"Simula sa una, hanggang dito, hindi moko iniwan, maraming salamat Manuelito, marami man nangyaring problema, n-nasaktan man kita pero heto ka, hindi mo parin ako iniwan, sana hanggang dulo. M-maari ba?" Nakakaramdam man ng hiya ay sinabi ko parin ang gusto kong sabihin, isipin na nyang makapal ang muka ko, dahil nga parang nakikiusap parin ako sa kanya na dapat talaga ay hindi na.
"M-maari bang magtanong Luna?"
"Hm?"
"N-ni minsan ba a-ako ay iyong minahal?" Hindi ko maiwasan napakapit sa upuan sa tanong nya. huminga ako ng malalim at dahan dahan humarap sa kanya kasabay non ang pagbalik ng isip ko noong nakaraan kami pa. Kahit hindi naman talaga naging kami.
BINABASA MO ANG
LUNA
Fiksi SejarahHija,Hindi ka dapat nandito. Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako. Kung hindi dapat ako nandito, e anong gagaw...
