kabanata 64

77 6 4
                                        

"may problema ba?" Bungad samin ni juan ng makapasok ito kasama si kram bitbit ang mga pinamili nila..

"May nagbabanta kay luna." Sabay lapag ni kuya cloud sa isang maliit na papel na nakuha namin doon sa palasong ipinatama sa mesa.

Sa iyong kamay mo kinuha ang buhay ng aking kapatid, sisisiguraduhin kong sa aking kamay karin mawawala, binibining luna.

Nakasulat sa papel. Halos kumunot ang noo ni juan ng binasa nya, rining ko rin ang pag langitngit ng kanyan ngipin. Halos ganyan ang kanilang itsura kanina noong binasa nila iyon.

"Isama mo muna sya sa inyo juan." Sabi sa kanya ni kuya cloud.

"Mas mabuti pa nga." Pag sang-ayon ni juan.

"Hindi." Matigas na sabi ko sa kanila.

"Pero bal, mas maganda kung don ka muna kahit sandali lang."

"Paano kung masundan ako at madamay pa ang mga tao ron? nag-iisip ba kayo? Sina ate Julia, may mga bata roon. Ayokong madamay sila sa gulo." Napayuko naman si juan at ramdam ko ang galit sa kanya sapagkat halos malukot ang hawak nyang papel.

"May punto si luna don." Singit ni kram. "Hindi natin alam kung sinong nagpadala nyan, alam nya ang pangalan ni luna, baka may alam na yan sa ating lahat." Dagdag nito.

"Ngunit nakalagay sa sulat ay pinatay mo sa kamay mo ang kapatid nya luna, baka naman hindi talaga ikaw ang sinasabihan nya." Wika ni marco.

Nagkatinginan kami ni flora, at mukang alam namin kung sino ang tinutukoy sa sulat, siguro isa roon ang napatay ko noong gabing yon. Hindi ko alam pero nagsimula na akong kabahan.

"Hey! Stop that!" Singhal sakin ni kambal dahil hindi ko namalayan na kagat ko na pala ang kuku ko.

"Natatakot kaba luna?" Tanong ni florencio.

"H-hindi." Pag sisinungaling ko, dahil ang totoo nyan ay natatakot ako, pero hindi dahil doon sa sulat, natatakot akong malaman nila ang lahat.

Nakapalibot silang lahat sakin hindi ako makatingin kanino man sa kanila, dahil nga nakaupo ako ay nagsimula ng mangining ang tuhod ko sa kaba.

"You look tense luna. Drink this." Abot sakin ni kuya cloud ng inumin. Sh*t bakit kasi ako kinakabahan.

"Kung ika'y natatakot mahal, huwag kang mag-alala hindi kami aalis sa iyong tabi." Saad ni juan sakin sabay hagod ng buhok ko.

"Huwag kang mabahala luna, ipapa imbistiga ni kuya kung sino ang lalaking nagpalada ng liham, at ako'y nakaka siguarado na silay nagkamali lamang." Halos mapahilamos ako ng muka sa sinabi ni maria, para akong nawawalan ng hininga dahil sa kaba.

"L-luna sa aking palagay ay mas mabuti kung malaman nila." Biglang sabi ni flora na lalo kong kinatakot.
Hindi pwedi.

Hindi ako nagsalita pero pumiling lang ako sa kanya.

"May hindi ka sinasabi bal?" Malakas na boses ni kambal.

Bahala na! Bahala na kung magbago ang tingin nila sakin. Ginawa ko naman yon dahil pinagtangol ko ang sarili namin ni flora.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon