kabanata 63

75 6 2
                                        

Bumungad sakin ang kwarto ko ng magising ako, naka side ako ng higa dahil narin siguro halos ng sugat ko ay sa likod, kaya hindi ko agad napansin na may katabi pala ko.

"Bal! M-may malay kana!" Masiglang sabi nya tsaka nya ako niyakap ng mahigpit.

"A-aah!! M-masakit." Agad naman nyang tinangal ang pagkakayakap nya.

"Ay sorry."

"Kumusta ka? May masakit pa ba sayo? Wait lang tatawagin ko yung mga doctor mo!" Agad itong tumayo ay lumabas nga, sandali lang naman ang pagtawag nya at alam kong sina kuya yon.

"Mahal!" Agad na yakap sakin ni juan ngunit hindi katulad ni kambal kanina ay maiingat ito at parang alam nya talaga kung masasaktan ako o hindi.

"A-ano ang iyong nararamdam? A-alin ang m-masakit?" Ngaralgal na boses nya na parang maiiyak na.

"T-tubig." Mahina lang, sapat na para marining nila, para kasing tuyong tuyo ang lalamunan ko kaya hirap din ako magsalita. Inabutan naman agad ako ng inumin ni kuya cloud.
Napansin ko na halos sila ay mga sugat sa kamao, may pasa naman sa muka si juan ganon din si kuya cloud, malamang nakuha din nila sa pakikipag away sa rebelde.

"Kumusta na ang iyong pakiramdam?"

"Medyo maayos na kuya salamat sa inyo." Inalalayan ako ni juan upang maka upo, ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin ng magsalita si juan.

"A-akala namin ay mawawala kana sa amin m-mahal." Hawak nya sa muka ko. Inalala ko ang mga nangyare, ang pag pasok nila sa bahay, ang muntikan ng pag gahasa kay flora, ang pagkuha nila sakin kapalit ng pagbaba ng pwesto ni Manuelito, ang pananakit, ang pagkawala ni Roberto.

Hindi ko mapigilan tumulo ang luha ko ng maalala ko lahat ang totoo kasi nyan ay kahit alam kong ililigtas nila ako, akala ko talaga doon na ako mamamatay.

"L-ligtas kana mahal wala ng makakapanakit sayo." Punas nya sa mga luha ko.

"Tama si juan. Hinding hindi na kami hihiwalay sa tabi mo." Si kuya cloud habang hinihimas ang ulo ko.

"Si R-roberto kuya kumusta?" Alam ko na ang isasagot nila, nagbabakasali akong buhay pa sya, baka nailigtas pa sya.

"W-wala na bal." Sagot sakin ni kambal. Napahigpit nalang ako ng hawak sa kumot ko. "Si flora ba?" Muling tanong ko.

"Maayos sya Mahal, kasama nya sina ginoong Miguelito at kram. Kaya wala kang dapat halalahanin sa kaniya."

"Medyo nagka trauma sya, pero okay na nakakausap na sya."

"Gusto ko syang puntahan."

"Bal, kagigising mulang kailangan mo pang magpahinga."

"Tama si tantan, ni hindi kapa nakakabawi ng lakas."

"Mahal kahit ngayon lang makinig ka."

"Pakiusap gusto ko syang puntahan, pagkatapos ni flora, si Roberto naman. N-nangako ako kay Roberto na makukumpleto ang barkada kapag nakalabas nakami, kaya please payagan nyo ko, kaya ko naman."
Halos sabay sabay pa silang napabuntong hininga.

"Tsk! Kakain ka muna!" Si kuya cloud.

"Iinitin ko ang iyong pagkain." At lumabas nga si juan.

"Nag-agaw buhay na nga pasayaw parin!" Si kambal sabay gulo ng buhok ko. Napangisi ako dahil nadamaan nya ang sugat ko pero hindi ko nalang pinahalata.

Paglabas namin ng bahay ay may mga guardang sibil na naka paligid mismo sa bahay, nilapitan ni kuya ang isa sa kanila, hindi ko lang alam kung anong pinag-usapan nila.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon