Sakay ng kabayo ay umalis ako para puntahan nga sina kuya joselito, hindi alam nila lola pelicing na umalis ako. ang paalam ko ay may kukunin lang sa bahay, kahit naman papaano ay totoo dahil kinuha ko ang kabayo namin na si daks.
Ni hindi ko alam kung tama ba ang dinadaan kong pabalik sa bayan dahil nga noong napunta ako sa isla ay wala akong malay. Halos maghapon narin nakong nagbabyahe, at ramdam ko na pagod at gutom kaya naisipan ko munang magpahinga sa bahay panuluyan. Mabuti nalang kahit papaano ay may naitabi akong pera.
"Eto po ang iyong silid." Inihatid ako ng trabahador sa kwarto tsaka na nga sya umalis, medyo maaga pa naman kaya natapos kong ilagay ang iilan kong dalang gamit ay bumaba ulit ako upang kumain.
Dahil nga siguro maaga pa ay hindi pa ganon karami ang mga tao sa kainan. Kaya madali akong nakakuha ng bakanteng lamesa.
"Binibining Luna?" Napa angat ang tingin sa taong tumawag sakin, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakita ko sya, pero nakaramdam din kasi ako ng lungkot dahil lalo ko lang namiss si juan sa taong kaharap ko ngayon.
"Ginoong Samuel." Tipit na ngiti ko sa kanya. Isa sa kaibingan ni juan, na laging naming kasama noon.
"Ikaw nga binibini, kumusta ka?"
"Hm, eto pinipilit na maging maayos." Sabay himas sa aking tiyan, dumako ang tingin nya roon at kita ko gulat ang kanyan muka, tumingin ito sa aking paligid na parang may hinahanap, ngunit ng walang nakita ay bumalik ang tingin sakin.
"I-ikay nagdadalang tao, asan ang iyong asawa?" Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nya.
"Naroon ka noong burol ni juan dba, bakit mo sya hinahanap ngayon?"
Hindi ko nalang sya tinapunan ng tingin at itutuloy sana ang pagkain ko ng mapansin kong hindi ito gumagalaw sa pwesto.
"P-paumanhin, ang akala ko ay..."
"Ayos lang." Putol sa sasabihin nya.
"Maari ba akong makisalo sa iyo? Wala kaba talagang kasama? Ngunit ikay nagdadalang tao, saan ka tutungo?" Dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa dami nyang tanong ay isang tanong rin ang sinagot ko sa kanya.
"Ikaw may kasama ka?"
"W-wala, hinatid ko lamang ang aking kapatid sa pampanga." Tumango ako at pinaupo sya sa harapan.
"Wala rin akong kasama, balak ko sanang bumalik sa bayan ng sta.cruz."
"Hindi ba ay maganda kung magpasama ka? Baka ikay mapahamak sa daan ikaw pa naman ay nagdadalang tao."
"Anong mas malapit? Ang bayan nyo o ang sta.cruz?"
"Kung sa daang alam ko ay ang bayan muna namin, siguro mga tatlong oras nalamang ang byahe mula rito, at mas malayo parin ang bayan ng sta.cruz."
Dahan dahan ang pag tango ko sa kanya, ibig sabihin ay dadaanin ko ang bayan nila, mas maganda narin yon, nagbabalak talaga akong dumaan muna ron kahit sandali lang.
"Bukas na rin ang balik ko sa amin, kung nais mong sumabay sasamahan kita."
"Hindi na, kasama ko naman si daks, ang kabayo namin." Gulat ang muka nyang tinignan ako.
"I-ikay sakay ng kabayo lamang?"
"Oo."
"Paumanhin ngunit, isasabay na kita naisin mo man o hindi, mas komportable ka kung sa karwahe nakasakay binibini."
"Hindi naman kailangan ginoo, sapagkat kasasabi ko lamang hindi ba, na dala ko ang kabayo ko."
"At hindi makakabuti sa iyo ang pagkasakay lalo na sa matagal na byahe."
BINABASA MO ANG
LUNA
Historical FictionHija,Hindi ka dapat nandito. Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako. Kung hindi dapat ako nandito, e anong gagaw...
