"b-bal usap tayo please!" Kanina pa sya kumakatok sa kwarto ko, ni hindi ko nga sinasagot para akala nya ay tulog nako, pero lalong palakas nang palakas ang kalabog nito sa pintuan.
"Alam kong gising ka please open this f*cking door!!" Isa pa rason kung bakit ayaw ko syang pagbuksan. Lasing sya. Naririning ko silang nag-iinuman kanina, hindi lang ako sigurado kung sino sino dahil hindi nako bumababa after namin mag dinner.
"Look bal, hindi ko naman sinasadyang sabihin sayo yon. Sorry na. H-hindi ko kayang hindi moko pinapansin. Please kahit ngayon lang kausapin mo ko."
Pansin ko rin ang lagi nyang paglapit kanina sakit, hahawakan ako sa kamay, ikukuha ng tubig o ano pa. Pilit nya rin akong sinasali sa usapan lalo na kaninang nag-uusap kami kung anong magandang plano namin. Naikwento kasi lahat samin ni Roberto ang nangyare, nagalit pa nga si Manuelito sa kanya dahil nga may alam pala sya pero hindi nya agad sinabi samin.
"May alam kana pala sa mga taong pinaghahanap natin ngunit tila wala kang balak na magsabi samin!! Kaibingan kita Roberto, tayo'y mga subling pa lamang ay magkakasa na ngunit hindi ko akalain na mas papanigan mo pa sila!!"
"Hindi ko ginusto! Sinubukan kong maghanap ng ibidensya, akin din silang kinompronta kung bakit nila ginawa ang bagay nayon, ang binangit lang nila ay dahil sa salapi, at dahil roon ay nalaman nga nilang magkaibingan tayo! Nakatakas ako noong una, at hinanahap nga kita para isumplong sila, ngunit wala ka."
"Hanggang sa mahuli nga ako, ilang araw nila akong sinasaktan, at pinapaamin kung anong alam ko tungkol sa kahinaan mo, para may ipanlaban daw sila sayo. Sila ang sumira ng inyong tahanan, sila rin ang nagsunog sa inyong taniman."
"B-bakit ganon ang pagkamuhi nila sa akin? Ni hindi ko sila kilala."
"Hindi ikaw ang kinamumuhi nila....a-ang iyong ama."
"Bal ano ba!!" Sigaw ulit nya dahilan para mawala ang kanina pa gumugulo sa isipan ko.
"Buksan mo na please!!" Sabay kalabog nya sa pintuan, kaya kahit ayaw kong pagbuksan ay tumayo nako para nga para nga pagbawalan sya.
"Ano ba! Hindi lang ikaw ang tao rito baka gusto mong magpatulog." Sabi ko pagkabukas ko nito. Hindi Sya sumagot bangkus ay diretso ang pasok nito at sabay yakap sakin, muntikan pa nga akong matumba dahil sa ginawa nya.
"Sorry na please bati na tayo."
"Pwedi ba thunder! Lasing ka! Kung gusto mong nag-usap tayo yung hindi ka lasing."
"Thunder talaga? Bal naman please ayusin natin to, hindi ako sanay na hindi moko pinapansin." Pilit kong tinatangal ang kamay nyang nakapalupot sakin, pero lalo nya lang itong hinihikpitan.
"Hindi ganon kadali, ikaw ang nag-umpisa, masyado kang lumagpas sa linya. Kung ano anong pinagsasasabi mo sakin, a-akala mo ba hindi masakit? Nasaktan din ako. Hindi naman ako manhid, hanggang ngayon nga mag eecho sa utak ko ang mga salitang binitawan mo sakin." Nag-uumpisa nanaman mag labo ang paningin ko dahil naiiyak nanaman nga ako. Sa lahat kasi talaga ng tao hindi ko akalain sasabihan nyako ng pabigat ako sa kanya.
Mukang narinig nya ang paghikbi ko kaya umayos sya ng tayo at hinawakan ang muka ko.
"Ssshh please don't cry, I'm sorry baby, alam ko gago ako, naunahan lang ako ng Galit, n-nag alala ako sayo. Hindi ko intention na masaktan ka. Please forgive me."
"Sa tingin mo ganon nalang yon? Minsan narin kaming nag away ni juan nang sinabihan ng nya akong masakit, pero mas masakit pala pag nang galing sayo."
"Juan nanaman? Hindi ko maiwasan magtampo sayo, namiss kita pero pagdating mo rito si juan lagi ang inasikaso mo, binibigyan mo ng atensyon, pinagsasandok mo ng pagkain, pinupunasan mo tuwing naglalaro na dapat ako. At dapat nga nagkekwento ka sakin kung anong ginawa o nangyare noong nakabalik kayo sa panahon natin pero hindi, si juan.. sya lagi ang kausap mo."
BINABASA MO ANG
LUNA
Historical FictionHija,Hindi ka dapat nandito. Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako. Kung hindi dapat ako nandito, e anong gagaw...
