Kanina pa ako lakad ng lakad sa kwarto ko dahil pinupulikad ang mga binti ko, seven months na ang pagbubuntis ko at sa papalapit na kabuwanan ko ay kinakabahan ako at natatakot.
Matapos ang pakikipag usap nila kuya joselito sa mga kaibingan nila noong nakaraan nga ay hindi ko maiwasan matakot. Lalabanin daw kasi nila ang gobyerno dahil sobra na ang paghihirap ng kapwa namin pilipino. Ginigipit ang mga ito sa buwis, kaya halos mag hirap narin ang lugar kung saan nga kami nakatira. At ang isa pang balitang nakarating samin ay ang paghahanap pa daw hanggang ngayon kay kuya joselito dahil nga sa taksil nyang kapatid na si teresita, maging si Manuelito na nagtaksil daw mismo sa pinaglilingkuran nya.
"Aaah!" Halos mapadaing ako dahil sa sakit ng mga paa ko, ni hindi ko na rin maabot dahil nga sa laki ng tiyan ko.
"Luna, ayos ka lamang ba?" Hindi nako nagtaka kung narining nila ang pagdaing ko dahil hindi naman ganon kalayo ang pinaghihigaan nila sa sala at ng kwarto ko.
Lumakad ako sa pinto upang pag buksan ito, tumambad sakin ang muka ni Manuelito na parang nag-aalala.
"Namumulikat kasi yung mga binti ko, ang sakit." Hinawakan nito ang kamay ko at inalalayan para umupo ako. Pinagmasdan ko ang sumunod nyang ginawa, kumuha ito ng upuan inilagay sa harap ko, uupuin nya pala.
"Akin na."
"Huh?"
"Ipatong mo rito ang iyong paa, upang aking masahiin." Hindi na ako tumangi dahil hirap din naman ako, dalawang paa ang iniligay ko sa kandugan nya at minasahe nga.
"Sa susunod na sumakit ulit ay iyo akong tawagin upang mamasahe ko, ang sabi ni ina noon ay normal sa buntis ang pagkapulikat sa inyong mga binti at eto daw ang paraan para maibsan ang pananakit."
"Bakit naman sinabi ng iyong ina sayo yon?"
"Inyo bang nakaligtaan luna? Hindi ba't buntis si teresita noong magkasama kami, laging habilin sakin ni ina ang mga dapat gawin sa mga buntis at kung paano sila pakitunguhan."
Oo nga pala, sya ang nag-alaga kay teresita noon, kaya pala alam nya rin kung ano ang mga bawal sakin at dapat gawin ko dahil may alam nga naman pala sya.
"Hm, so ginagawa mo rin kay teresita ang ginagawa mo sakin ngayon?" Bigla itong napahinto sa ginagawa sa paa ko at tumingin sakin na parang gulat. Why?
"M-minsan ko lamang nagawa sapagkat naroon non ang aking ina." Paliwanag nya. Hindi na ako muling nagtanong dahil...ewan ko ba, parang ayoko rin malaman kung ano pang ginagawa nya kay teresita noon.
"A-ayos na, maraming salamat. Hindi ko na rin kasi maabot ang mga binti ko dahil sa laki ng tyan ko."
"Wala iyon, basta magsabi ka agad kapang may mararamdan kang kakaiba sa iyong katawan o may masakit sa iyo."
Kinabukasan ay nagising ako sa basa ang muka ko dahil sa kakaiyak. Nanaginip lamang naman ako ng sobrang sama. Kinalma ko ang sarili ko upang makatayo at makainom ng tubig.
Nadatnan ko naman ang dalawa na nasa kusina at mukang naghahanda ng almusal namin.
"K-kuya." Humarap naman ito sakin at kita ko ang pagsalubong ng kilay nya ng makita akong umiiyak.
"L-luna.. Bakit ka tumatangis?" Agad itong pumunta sa harapan ko at hinawakan ang muka ko upang punasan ng ang mga luhang nahuhulog.
Pansin ko rin na lumapit samin si Manuelito bakas din sa kanya ang pag-alala. Love
"Wag na kayong tumuloy, pakiusap. Hayaan nyo nalamang silang makipaglaban, dito nalamang kayo."
"Luna, hindi ba't napag-usapan na natin iyan? At huwag kang mag-alala marami kami kaya walang magyayaring masama samin."
"Kuya naman, nakikiusap ako sa inyo, wag na kayong sumapi sa grupo nila. Hindi ako tutol sa pinaglalaban nila, pero hindi rin ako papayag na sumama ka ulit doon at isama rin si Manuelito."
BINABASA MO ANG
LUNA
Fiksi SejarahHija,Hindi ka dapat nandito. Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako. Kung hindi dapat ako nandito, e anong gagaw...
