kabanata 66

64 6 2
                                        

"Magandang umaga." Nakangiting juan ang bumungad sakin pag dilat ko ng mata.

Ang sakit ng katawan ko, para akong binugbog lalo na sa parteng baba ko. Pero alam ko naman na ako ang may kasalanan. Dahil hindi lang isang besis kami nag s*x, hindi ko rin alam kung ilan. Madaling araw na kaming natapos, natatawa parin ako hanggang ngayon,  dahil hindi sya makapaniwala sa nagawa namin, tinuruan ko lang naman sya ng iba't ibang posisyon hihi. Halos magulat nga sya sa mga ginawa ko! Paupo, padapa, patayo at kung ano ano. Nalibot din naman ang buong kwarto, sa higaan, sa lapag sa upuan at sa pader at kung saan pa. Para kaming sabik sa isa't isa sh*t Lang landi ko haha, hindi ko rin naisip na magiging wild ako ng ganon at sya din.  Naalala ko palang ang nagawa namin parang nang-iinit ang muka ko huhu.

"Kakain na!" Rining naming katok ni kambal. Agad naman suot ng damit ni juan na parang natataranta.

Hala hindi yata ako nakalakad, ang landi mo kasi luna! Sigaw ko sa utak ko. Inalalayan ako ni juan sa pagsuot ng damit habang sinusuotan nya ako ay hindi nya inaalis ang tingin nya sa muka ko.

"Nang-aakit kaba mahal?" Tanong ko sa kanya na ikiningisi nya.

"Hindi naman mahal, pero kung naakit ka, bakit hindi!?" Sabay halik nya sa ulo ko.

"Sabihin mo lang kung gusto mo pa." Ngisi ko sa kanya, sya naman ay biglang nanlaki ang mata at namula ang mula hahaha!

"M-mahal." Nahihiyang sabi nito haha.

Hirap man ay pinilit kong maglakad ng hindi nahahalatang nasasaktan. Baka kasi mapansin nila kuya.. nakakahiya. Inalalayan naman ako ni juan hanggang sa makarating kami sa hapag kainan.

Nagdasal muna kami bago kumain.

"Bukas ay gaganapin sa bayan ang pagbitay sa mga nahuling rebelde." Basag ni Manuelito sa aming katahimikan.

Napahinto ako sa pagsubo dahil parang kinabahan ako. Hindi ba masyadong mabigat ang pag bitay?

"Anong oras? nais kong masaksihan."
Tanong ni kuya cloud.

"Alas kwatro imedya." Sagot naman ni Manuelito.

"Nais ko rin masaksihan." Si juan naman. At ganon din daw sina kambal.

"M-maari rin ba kaming pumunta?" Si maria ang nagtanong. Hindi ko alam na interesado pala sya sa mga ganong bagay.

"Huwag na Maria, dumito nalamang kayo ni Luna." Si kambal ang sumagot.

"Pero bal, Kaming dalawa lang nandito pero kung masalisi nanaman kayo? Manonood nalang kami ni maria." Sabat ko sa kanila, nagkatingin naman silang lahat parang nagtatanong kung papayagan ba kaming sumama sa kanila.

"Basta huwag na huwag kayong lalayo sa kanila." Turo ni maneulito kila kuya. "Hindi ko kaya masasamahan sapagkat ako mismo ang lilitis sa buhay nila."

"S-sandali lang, hindi masyadong mabigat ang parusa nila?"

Halos sabay sabay silang napatingin sakin.

"Dapat lang yon, lalo na sa leondrong yan." Gigil na sabi ni kambal. Hindi nalang ako umimik dahil sa sinabi nya, para kasing bigla nalang bumalik ang galit ko sa taong yon.

Maghapon kaming magkasama ni juan, medyo nawala na rin ang sakit sa katawan ko dahil sa pinainom nyang gamot sakin. Mukang wala naman napansin sina kuya cloud na kakaiba sakin na ipinasalamat ko.

Ngayon ang araw na pupunta kaming lahat sa bayan, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaibang kaba. Siguro dahil natatakot ako dahil ito muli ang pagkakataon na makita ko ang mga hayop na yon.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon