kabanata 68

94 3 4
                                        

Isang malakas na sipa ang ginawa ni juan para bumukas ang pintuan ng sakay naming kalesa.

"Mahal iyong dalian." Sabay hila sakin para nga makalabas kami. hindi pa naman madilim pero parang napunta kami masukal na bahangi ng gubat. Ng silipin namin ang kutsero ay may tama na ito ng baril. Pati na rin ang dalawang guardang sibil na naka alalay samin.

"Mahal." Sabay hikpit ko ng hawak sa kanyan kamay, natatakot kasi ako lalo na ng lumapit samin ang nasa sampong taong naka tutok ang baril samin.

"Dalawa lamang ito, bakit kailangan marami tayo." Saad ng isa sa kanila.

"Hindi mo sila kilala, Raul.  may kakayahin din ang binibining patayin ka." Sagot naman ng isa.

"Madali! Dalhin ang binibini! Kung hindi nyo kaya ay inyo silang paslangin dalawa." Sa hudyat ng isa ay sumugod ang iba upang hilain ako, pero agad naman akong naprotekthan ni juan. Mabilis ko rin nakuha ang baril na dala ko sa aking binti at hindi na nag atubiling pinutok sa mga lumalapit saamin.

"Mahal, takbo!" Sigaw ni juan habang nakikipag laban sa nga ito.

"Hindi mahal, hindi kita iiwan dito."

"Ngunit maari kang humingi ng tulong kay Manuelito, Madali ka."

"Ayoko! Sa tingin mo ba iiwan kita sa ganito?"

Nasipa ng isa ang hawak kong baril, kaya paa at kamay ang ginamit ko para makalaban din. Umikot ako para kumuha ng bwelo at mabilis na sipa sa muka ang ginawa ko.

Ganon si juan, may mga sandata man sila pero nakuha pa namin lumaban, pero aminado akong mahihirapan kami dito dahil parang hindi sila nauubusan.

Hinila ako ni juan tsaka kami mabilis na tumakbo.

"Mahal, kahit anong mangyare kailangan mong makarating sa pamahalaan para makahingi ng tulong." Saad ni juan habang tinatakasan namin ang mga humahabol samin.

"Tayong dalawa ang hihingi ng tulong mahal."

Halos masugatan na ang mga paa ko dahil natangal ang suot mong pansapin, at alam kong ganon din si juan.

"Ilag!!" Mabilis ang pagyakap sakin ni juan para nakailang balang ipanaputok samin.

"M-mahal." Takot kong bangit dahil may tama sya sa braso.

"Malayo sa bituka mahal." Sabay halik pa saking ulo, habang nakasandal kami sa puno. "Magmadali na tayo."

At kahit parehas na kaming hirap ay nagpatuloy parin kami sa pagtakbo.

"Wala na kayong kawala, mga hangal!" Sigaw ng isa sa kanila.

Hanggang sa ma trap nga kami sa gilid ng ilog,  Hindi gaanong mataas ang bangil kayang kaya namin languyin ni juan yun kung makakatalon kami. Dahil sa unti unti nilang paglapit saamin habang nakatutok ang kanilang baril.

"Ibigay mo ang binibini sa amin ginoo, sya lang naman ang kailangan ng aming pinuno." Sabi ng isa sa kanila.

"Magkakamatayan muna tayo bago nyo makuha si luna!!" Sigaw na balik sa kanila ni juan. Nasa likod ako nito na pinoprotektahan ng ako laban sa kanila.

"Madali naman kaming kausap." Sabay ngisi pa nito.

"Patayin sya!!" Sa pag sigaw nya ay mabilis nilang pinaputukan ng baril si juan na labis kong ikinatakot, nakuha pa nitong humarap saking habang iniinda nya ang balang bumabaon sa kanya, sa ilang Segundo ay nakaya din ni juan na itulak ako sa ilog. Kita ko ang pag ngiti nito sandali at ang pagbuka ng bibig nya na parang sinasabing "mahal kita." At sa sandali din yon ang pagpatak ng kanyang luha. hanggang sa maramdaman ko na lang ang tubig na bumalot saming dalawa.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon