kabanata 62

85 6 4
                                        

"h-husto na, p-pakiusap..aah!!"
Halos paulit ulit na sigaw ni Roberto sa bawat pag hampas nila ng latigo sa amin.
Sa isang silid kami, parang torture room. Kaming dalawa ni roberto dito, bukod sa mga taong mismong nanakit samin. Pero hindi ko maiwasan mapatingin sa paligid, maraming dugo na parang may pinatay dito oh ano man.

Naka ilang tama ako ng latigo ngunit manhid na yata ako dahil hindi ko nararamdaman ang hapdi. Hanggang sa ngayon na nakayakap sakin si roberto na sinasanga lahat ng tama na para sakin.

"Sayang ang binibini, maganda rin sya, hindi ba natin sya maaring galawin?" Rining kong sabi ng isa.

"Maari naman ngunit mamaya na kapag pinagsawaan na sya ni leondro!" Sabay halakhak nila.

"Mga an*mal kayo!!" Sigaw ni Roberto sa kanila. Ngunit lalo lamang silang nagtawanan na parang enjoy na enjoy sa nakikitang hirap na hirap na kami.

"Mamaya na natin ituloy yan, para naman may lakas pa ang binibini mamaya!!" Lumabas sila na tumatawa.
Hindi ko akalain na may mga taong ganito na pala kasama sa mga panahong ito, nagpapa alipin sa ibang lahi na kahit kapwa nila pilipino ay kayang kaya nilang saktan.
Wala yata talagang pinipiling panahon ang kasamaan.

Unti unting tinatangal ni roberto ang pagkahawak sakin, at nang matangal na nya nga ay nagsimula na ulit syang umiyak.

"A-alam k-kong hindi n-nararapat ang aking sasabihin, ngunit gusto ko parin Humihingi ng paumanhin s-sayo luna, sa inyo." Sabay punas sa mga luha nya.

Hindi ako kumibo o tinignan man sya, naka tingin lang ako sa lupa, na halos mahalikan ko na nga dahil sa nakadapa kami parehas.

Lumipas ang ilan minuto ay muli sgang nagsalita. "D-duwag ako." Basag nya ka katahimikan naming dalawa. Naka sandal akong patagilid sa kanya, dahil hindi ko kayang sumandal patalikod sa pader dahil ngayon ko nararamdaman ang sakit ng mga sugat ko. Alam kong ganon din sya, pero mas pinili nyang sumandal doon at suportahan nga ang nanghihina naming katawan.

"N-noong gabing yon. N-nasaksihan ko ang pagbaon mo ng kutsilyo sa leeg ng ginoo. Nakita ko rin na halos nawalan na ng saplot si flora. A-ang lakas mo, isa ka talagang kakaibang binibini. Ngunit ng dumating ang iba....n-nagpangap akong walang malay.. p-para sana makaligtas. Rining ko ang paghampas nila ng kung anong bagay. At nawalan ka nga ng malay."

Nakikining lang ako sa kanya, habang nakapikit ang mga mata ko.

"Dinala nila ang mga walang buhay na kasapi, narining kong wala na raw oras at kailangan na nga nilang umalis. Ng makasigarado kong wala na sila. N-nilapitan ko si flora, naka tali ang mga kamay at paa, na walang malay. H-hindi ko man kayo natulungan, n-nakarining kasi ako ng yapak ng kabayo, n-natakot akong baka sila ulit yon, k-kaya tumakbo ako.  A-alam kong kasalanan ko ang lahat, at hindi sapat ang paghingi ng tawad sa inyo. Ngunit b-bago man lang ako mamatay, n-nais kong sabihin na ako'y nagsisisi sa lahat ng n-nagawa kong mali sa inyo, p-paumanhin luna."

"H-hindi ka maaring mamatay rito, hindi pa kita nasusuntok." Nasabi ko nalang sa kanya.

Muling katahimikan ang nanaig samin, andami kong gustong itanong sa kanya. Pero isa nalang muna ang gusto kong malaman. "K-kumusta ang kapatid mo?"

Isang mahigpit na yakap ang ginawa nyang sagot. rining ko ang pag malalim na hininga nito na parang nagpipigil ang iyak, pero sa huli tanging hinagpis ang narining ko nalang sa kanya, na doon palang ay nakuha ko na ang sagot. Tanging pagyakap nalang din sa kanya ang nagawa ko.

"H-hindi tayo mamamatay rito, sila muna, bago tayo! Ipangako mo Roberto."

"O-oo luna, isang pangako, sila muna ang mawawala b-bago ako."

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon