kabanata 69

69 4 0
                                        

"sabi sayo diba, hindi kita hahayaang mag-isa." agad akong tumakbo papunta sa taong nagsalita. Nasa duyan kasi ako, sa duyan na ginawa nya para sakin, para sa aming dalawa. Sya naman ay nasa kusina habang nagtitimpla ng kape para sakin.

"Oh wag kang tumakbo mahal ihahatid ko naman to sayo." Ngiti pa nya, pero nagpatuloy lang ako sa pagyakap sa kanya, mula sa likod.

"San kaba kasi galing namiss kita." Ang bango nya, kahit alam kong galing sya sa taniman ang bango parin nya.

"Inumin mo na to, kailangan ko narin umalis nyan." Humarap ito sakin tsaka pinisil ang pisngi ko.

"Saan ka pupunta? Sama ako." Paglalambing ko sa kanya.

"Hindi maari, paano ang anak natin?" Turo nya sa batang naglalaro Malapit sa duyan. Nasa mga dalawang taong gulang na naglalaro kasama ang kabayo naming dalawa.
Naguguluhan man ay hindi parin ako lumayo sa yakap nya.

"Basta tandaan mo, mahal na mahal na mahal kita." Sabay halik sa aking noo pababa sa ilong hanggang sa labi.

"Mahal na mahal din kita." Yakap ko sa kanya.

"Aalis nako, hindi kana mag-iisa lagi mong tatandaan."

"Anong oras ang balik mo? Magluluto ako ng adobo para sayo."

"Hindi ko alam mahal, baka hindi na. Pero hindi kita hahayaan, palagi parin kitang babantayan."

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Paalam aking binibini, aking luna, aking buhay, aking tangi, aking sinta, aking pinakamamahal."

At sa sandali din iyon ay unti unti itong nawala sa paningin ko, parang bumalik ulit sakit. Ang bigat sa dibdib. Hanggang sa mapagtanto kong isang panaginip lang pala ang lahat. Akala ko....akala ko kasama ko ulit si juan, akala ko maayos na ang lahat..akala ko lang pala.

Nagising ako sa isang maliit na silid , mabilis ang pag upo ko at hindi ko na pinagmasdan pa ang paligid dahil umiiyak nanaman ako. I miss juan, bakit kasi kailangan pa nyang mawala? Bakit ganon nalamang kasama ang mga tao? Hindi pa pweding hayaan nalamang ako-kami. Bakit kailangan pang may magsakripisyo?

"Parang gusto ko na rin mawala. Ang bigat!" Tanging nasambit ko nalang kasabay ng malakas na pag iyak.

"Luna." Rining kong sabi ng kung sino at mabilis akong niyakap. "Husto na nakakasama sa iyo ang pag iyak." Nakilala ko ang boses nya kaya madali ko syang tinignan.

"K-kuya?" Bakit sya nandito? At bakit ngayon lang sa nagpakita sakin?

"Natagalan nanaman ang kuya, paumanhin." Agad akong yumakap sa kanya at pinapatuloy ko ang pag iyak ko, hanggang sa maramdam kong wala na akong iiiyak pa.

"Uminom ka muna." Sabat abot nya sakin ng inumin.

"B-bakit ako nandito? anong nangyare?" Nag-isip ako kung ano nga bang nangyare kung bakit ako nandito? At unti unti kong naalala ang lahat. Ang pag alis ko sa bayan, at pag hatid sakin ni Manuelito ngunit...

"Kuya joselito, a-asan si Manuelito?" may bahid na takot na tanong ko.

"Nasa sala sya at papahinga." Agad akong lumabas para puntahan nga si Manuelito.

"M-manuelito." lapit ko sa kanya at niyakap sya. Akala ko ay wala na akong luhang mailalabas pero meron pa pala dahil naiiyak nanaman ako habang nakayakap sa kanya, akala ko kasi...
Akala ko may isang mawawala nanaman dahil sakin. Akala ko tuluyan na akong mag iisa, akala ko maiiwan nanaman ako.

"Luna husto na ang iyong pagtangis." Aro nya sakin habang hinahagod ang buhok ko.

"A-akala ko...m-mawawala karin." Patuloy ang pag iyak ko habang naka subsob sa dibdib nya.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon